Balita

Halaga ng sahod, lalong bumaba

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na bumaba ang halaga ng sahod noong 2008 at 2009, na posibleng magdulot ng mas matinding mga tensiyong panlipunan, ayon sa bagong ulat ng International Labor Organization (ILO).

Regulasyon ng matrikula sa pribadong pamantasan hiniling

Itinutuloy ng mga mag-aaral at kabataan ang kanilang laban sa edukasyon sa pagtatapos ng taon. At kung nauna na ang mga State Colleges and Universities, sinundan naman ang kanilang yapak ng mga mag-aaral sa Private Higher Education Institutions o HEIs.

Mga Larawan: Kaanak, abogado sabik nang makalaya ang Morong 43

Ngapiket sa harapan ng Morong RTC ang kaanak ng mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang "Morong 43," habang dinidinig ang mosyon ng magkabilang panig (DOJ prosecutors at defense) sa pag-atras ng kaso laban sa Morong 43. (Macky Macaspac)

Kaanak, detinido ikinagalak deklarasyon ni PNoy na iatras kaso vs Morong 43

Nagsiiyakan sila, at sumigaw sa tagumpay. Ganito inilarawan ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan, sa kanyang tweet, ang reaksiyon ng 43 manggagawang pangkalusugan na tinaguriang “Morong 43” matapos marinig ang deklarasyon na ipinaaatras na ni Pangulong Aquino ang kaso laban sa kanila. Kasama si Reyes sa mga bumisita sa Morong 43 […]

Kahit pisikal na manghina, tuloy ang hunger strike ng Morong 43

Sa kabila ng mga pahayag ni Pang. Benigno Aquino III na wala siyang magagawa sa kaso ng Morong 43 at na ang korte ang dapat na magpasya kung sila ay papalayain, matibay pa rin ang paninindigan ng mga detinidong pulitikal na ituloy ang kanilang hunger strike na sinimulan noong Disyembre 3. Ayon kay Dr. Geneveve […]

Larawan: Protesta vs budget cut sa edukasyon itinuloy sa CHED

Dinagsa ng mga estudyante ang harapan ng Comission on Higher Education noong Disyembre 7 upang ituloy ang kanilang pagtutol sa pagbabawas ng badyet para sa edukasyon laluna sa mga State Universities and Colleges. Nauna rito, dinagsa rin ng grupo ang Philippine Coconut Authority Building sa Quezon City kung saan dinaraos ang bicameral meeting ukol sa pambansang badyet. (Darius Galang)

Kapayapaan, kalayaan ng Morong 43, sigaw ng bata sa Mendiola

Bitbit ang mga karatula, tapestries, at artwork na naglalaman ng kanilang sentimyento hinggil sa umano’y kapabayaan ng gobyerno sa kapakanan at karapatan ng mga bata, nagmartsa ang mahigit 100 bata patungong Mendiola Bridge sa Manila upang ipanawagan ang pagtigil ng karahasan sa mga bata, kapayapaan at kalayaan ng mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43.

Mga Larawan: Karapatan ng LGBT, ipinaglaban sa Pride March

Lumahok noong Disyembre 4 ang iba't ibang organisasyon ng komunidad ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgender), kasama ang mga progresibong organisasyon tulad ng Gabriela, sa isang "pride march" sa Quezon City para igiit ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT community. (Contributed Photo)