Libu-libong mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila ang nag-walkout sa kanilang mga klase noong Biyernes, Nob. 19, para ihayag ang pagtutol sa panukalang kaltas sa badyet ng pamantasan at ng state colleges and universities (SCUs) sa pambansang badyet.
Nagbuklud-buklod ang mga organisasyon ng iba't ibang sektor ng bansa para magtatag ng isang alyansang magtutulak para sa "makabuluhang dagdag-sahod" para sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.
Nagkaisa ang iba't ibang sektor sa komunidad ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila para tutulan ang panukala ng administrasyong Aquino na pagkaltas sa badyet ng pamantasan nang P23-Milyon.
Hinarap sa wakas ng mga opisyal ng Malakanyang ang mga kaanak ng mga mangagagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43, noong Nobyembre 15, matapos ang limang pagtatangkang makaharap si Pangulong Benigno Aquino III.
Hiniling ng militanteng mga mambabatas na imbestigahan ng Kamara ang pagpatay kina Leonardo Co, siyentistang pangkalikasan, Sofronio Cortez, bantay-gubat at magsasakang si Julius Borromeo sa Kananga, Leyte.
Bitbit ang mga plakard na nananawagan ng pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan na detinido ngayon sa Pilipinas, ipinakita ng mga kababaihang ito ng Aotearoa sa New Zealand ang pakikipagkaisa para sa laban para sa hustisya at kapayapaan sa Pilipinas. Naganap ito matapos ang isang porum kung saan nagsalita si Coni Ledesma, pandaigdigang tagapagsalita ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka), ang Ngapuhi leader na si Titewhai Harawira at aktibistang abogado na si Annette Sykes sa Auckland University noong Nob. 10. Kinondena rin ng kababaihang ito ang di-pantay at mapang-aping relasyon ng mahihirap at "imperyalistang" bansa na pinanananatili ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. (Kontribusyon)
Iginiit ng iba't ibang grupo ng mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW) ang dagdag na sahod para sa kanilang sektor.
Nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa Batasan Pambansa para muling igiit ang pagbabasura sa Stock Distribution Option at Comprehensive Agrarian Reform Program (with Reforms) o Carper na anila'y nagpapanatili sa pagkaalipin ng mga magsasaka sa kamay ng mga panginoong maylupa.
Kinondena ng Moro-Christian Peoples Alliance ang ilegal umanong pag-aresto sa isang tricycle driver na isang katutubong Yakan, isa sa mga tribung Moro. Inaresto si Patta J. Hoyo ng pinagsanib na elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (Pacer) at 300th Air Force Intelligence Security Group, sa Tandang Sora Quezon City noong Nobyembre 3, 2010.