Balita

Panawagang palayain ang Morong 43 lumalakas

Tatlong dating kalihim ng Department of Health (DOH) ang kabilang sa mahigit isandaang katao na lumagda sa isang bukas na liham na nananawagan ng kagyat na pagpapalaya sa mga mangagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43.

Mga Larawan: Ikalawang araw ng Lakbayan para sa hustisya at reporma sa lupa

Martsa ng mga magsasaka mula Rizal at Timog Luzon (mula Sorsogon hanggang Southern Tagalog) patungong Kamaynilaan para igiit ang tunay na reporma sa lupa at hustisya para sa mga magsasaka. Naglakad lamang ang mga magsasaka, sa kabila ng bagyong Juan humagupit sa Kamaynilaan at iba pang bahagi ng Luzon.

Abogado sa UK sumulat kay Aquino kaugnay ng “Morong 43”

Sumulat kay Pangulong Benigno Aquino ang pinuno ng Haldane Society of Socialist Lawyers para aksiyunan ang kaso ng mga inarestong manggagawang pangkalusugan na mas kilala bilang “Morong 43”. Sa sulat na ipinadala ni Liz Davies, tagapangulo ng naturang grupo, na may petsang Oktubre 17, 2010, sinabi nitong sinusubaybayan nila ang kaso mula pa nang maaresto […]

Magsasaka ng Negros, nagprotesta sa Maynila

Dumating na sa Maynila noong Oktubre 17 ang mga magsasaka mula sa Negros para magsagawa ng dalawang linggong protesta para ilantad ang umano’y piyudal na paghahari ng isang Cojuangco sa Visayas. Ayon sa National Federation of Sugar Workers at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Negros, sinasamantala ni Danding Cojuangco, kroni ni dating Pangulong Marcos at kamag-anak ni […]

Larawan: P-Noy hinusgahang ‘bagsak’ sa pangangalaga ng karapatan ng bata

Malungkot na "smiley" ang husga ng mga bata ng Salinlahi, alyansang nangangalaga sa karapatan ng bata, sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III. Hindi umano nagbago ang di-pagtugon ng nakaraang administrasyon sa mga batayang isyu ng mga mamamayan tulad ng pabahay, kabuhayan, edukasyon, seguridad mula sa kalamidad, at karapatang pantao. Ipinagdiriwang ngayong buwan ang "Children's Month." (Macky Macaspac)

Mga Larawan: Barkong pandigma ng US na naglulan kina Lance Corp. Daniel Smith, bumalik sa Subic

Dumaong sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales ang USS Essex (kaliwa), ang barkong pandigma na sinakyan nina Lance Corp. Daniel Smith at kasamahang mga miyembro ng US Marines na inakusahang nanggahasa sa Pinay na si "Nicole" noong 2006. Kasabay ng USS Essex ang USS Halsey. Mahigit 3,000 sundalong Kano ang lunan ng mga barkong ito para sa ehersisyong militar sa pagitan ng armadong puwersa ng US at Pilipinas ngayong Oktubre.