Pinoy Weekly

Matumal na pagboto ng OFW, saan maisisisi?

Pila ng mga OFW na bumoto sa Hong Kong noong Abril 18. (Rey Asis)

Pila ng mga OFW na bumoto sa Hong Kong noong Abril 18. (Rey Asis)Dalawang linggo na lamang ang natitira para makaboto ang mga Overseas Filipino Worker (OFW), ngunit nananatiling matumal ang pagboto ng mga migranteng Pilipino.

Sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA), may 29,383 OFW ang bumoto sa unang linggo ng Overseas Absentee Voting (OAV) na nagsimula noong Abril 10. Sa press release ng ahensiya, tinawag itong “good turnout”—kahit pa umaabot lamang ito ng 4.9 porsiyento ng 589,830 rehistradong botante ngayong eleksiyon.

Target ng Commission on Elections (Comelec) ang 60 hanggang 70 porsiyentong turnout sa OAV. Umaasa itong darami pa ang boboto habang papalapit ang halalan.

Samantala, bagaman optimistiko rin ang iba’t ibang grupong migrante sa pagtaas pa ng bilang ng mga bobotong OFW, anila’y malaki ang posibilidad na maging napakaliit ang partisipasyon ng mga OFW sa eleksiyon.

Kapos sa edukasyon

Hindi rin naging signipikante ang turnout ng mga OFW sa dalawang nagdaang halalan. Noong 2004, may 233,092 lamang ang nakapagrehistro at 65 porsiyento ang bumoto. Lalong bumagsak ang mga bilang noong 2007, bagaman hindi eleksiyong pampangulo—16 porsiyento lamang ng 81,732  rehistradong OFW ang bumoto.

Sa imbestigasyon ng Joint Congressional Oversight Committee noong 2004 sa mga dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga OFW na lumahok sa OAV, natukoy ang sumusunod na mga problema: pinaikling panahon ng pagpaparehistro; kakulangan ng voting centers; limitadong day-off ng mga OFW; at ang dagdag na gastusin para sila makaboto.

Sa panayam ng Pinoy Weekly sa mga lider-migrante sa Hong Kong, Gitnang Silangan, at Europe, lumalabas na hindi natugunan ng gobyerno ang mga problemang ito.

Halimbawa, hindi pa rin nasunod ang nakalaang 12 buwan para sa pagpaparehistro. Pinaikli ito ng Comelec sa 10 buwan. Sa halip na magsimula noong Disyembre 2008, sinimulan ito noong Pebrero 2009, at nagtapos noong nakaraang Agosto. “Marami ang na-disenfranchise dahil sa pag-ikli ng registration period,” sabi ni John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-Middle East.

Kasabay nito, umano’y limitado o walang ginawang edukasyon sa hanay ng mga OFW para maengganyo ang mga ito na magparehistro at bumoto. Limitado ang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa eleksiyon sa loob ng mga embahada, konsulado, at iba pang establisimyento gaya ng international schools na pinamamahalaan ng gobyerno.

“So ‘yung mga nabibigyan ng voter’s education, informally pa nga, ay ‘yung nagkataong may sadya o pakay sa embahada at konsulado,” ani Monterona.

Tinatayang may 1.8 milyong Pilipino sa Gitnang Silangan, pero 225,148 lamang ang rehistradong botante sa nasabing rehiyon (kasama ang Aprika). Sa unang linggo ng OAV, 10,505 lamang sa kanila ang bumoto.

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7128

Posted by on Apr 24 2010. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes