Mga Larawan: Protesta vs kawalan ng aksiyon ng gobyernong Aquino sa extra-judicial killings

Nagmartsa ang aabot sa 800 katao mula tapat ng University of Santo Tomas sa Espana, Manila patungong Mendiola, Manila para igiit sa gobyernong Aquino na aksiyunan ang pamamaslang sa mga aktibista at ibasura ang programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya. Ayon sa Karapatan, grupong pangkarapatang pantao, nakakabahala ang malabong pahayag ni Pangulong Aquino hinggil sa mga […]

Nagmartsa ang aabot sa 800 katao mula tapat ng University of Santo Tomas sa Espana, Manila patungong Mendiola, Manila para igiit sa gobyernong Aquino na aksiyunan ang pamamaslang sa mga aktibista at ibasura ang programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya.

Ayon sa Karapatan, grupong pangkarapatang pantao, nakakabahala ang malabong pahayag ni Pangulong Aquino hinggil sa mga pamamaslang. Ayon kay Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan, bilang commander-in-chief ng militar, maisisisi kay Aquino ang pamamaslang sa tatlong aktibista magmula nang maupo si Aquino sa Malakanyang.

Iginiit ni Enriquez na kailangang agarang ibasura ni Aquino ang programang kontra-insurhensiya ng militar na Oplan Bantay Laya na bumiktima sa mahigit 1,000 aktibistang pinatay, mahigit 200 dinukot at libu-lubong mga komunidad sa kanayunan.

Oplan Bantay Laya is the worst and most brutal of these campaigns as it specifically targets legal organizations and personages resulting to a staggering body count and brazen impunity in nine years of the Arroyo regime and it is still in place,” sabi pa ni Enriquez.

Maliban sa Karapatan, pamunuan din ang protesta ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahtang kalihim ng Bayan, kailangang paghandaan ng militanteng mga organisasyon ang posibleng pagkitil ng gobyernong Aquino sa karapatan nilang magprotesta kaalinsabay ng State of the Nation Address o SONA ni Aquino sa Lunes, Hulyo 26.

Sa kanilang martsa mula Espana, Manila, nanawagan ang militanteng mga grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na agarang ibasura ni Pang. Aquino ang programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya. (Macky Macaspac)

Aabot sa 800 katao ang nagmartsa mula sa Espana Ave. ang nagmartsa patungong Mendiola, sa kainitan ng araw nitong Hulyo 19. (Macky Macaspac)
Aabot sa 800 katao ang nagmartsa mula sa Espana Ave. ang nagmartsa patungong Mendiola, sa kainitan ng araw nitong Hulyo 19. (Macky Macaspac)
Bitbit ng isang bata ang pagkaalarma ng mga magsasaka sa Timog Katagalugan sa kawalan umano ng aksiyon ni Pang. Aquino para sugpuin ang pamamaslang sa mga magsasaka at iba pang lumalabang mga mamamayan. (KR Guda)

Nahaharangan ng mga barbed wire ang Mendiola Bridge para itaboy ang nagpoprotestang mga mamamayan, tulad ng mga aktibistang ito na nananawagan ng pagbasura sa mapaminsalang programang kontra-insurhensiya ng gobyernong Aquino at nagdaang rehimen. (KR Guda)