Mga Larawan: Ika-55 kaarawan ni Luisa Posa-Dominado, desaparecido, ipinagdiwang

Ipinagdiwang ng militanteng mga grupo sa Plazoleta Gay, Iloilo City ang ika-55 kaarawan ni Luisa Posa-Dominado noong Agosto 10. Noong Abril 12, 2007, dinukot ng pinaghihinalaang mga militar sina Dominado at kapwa aktibistang si Nilo Arado sa Cabanbanan, Oton, Iloilo. Itinanggi ng militar na may kinalaman sila sa pagkawala ng dalawa. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin ng mga kaanak, kasamahan at kaibigan nila sina Dominado at Arado. (Kontribusyon)

Nag-alay ng mga pulang rosas ang mga kaanak, tagasuporta at kasamahan ni Luisa Posa Dominado bilang pagdiwang sa kanyang ika-55 kaarawan. (Kontribusyon)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8820













