Pagmimina para sa bayan


Mapangwasak sa kalikasan ang pangmalawakang komersiyal na pagmimina sa bansa. Ngunit maaaring mamaksimisa ang isang responsableng pagmimina para sa panlipunang kapakanan, kung aalisin ito sa komersiyal na interes patungong pagsasabansa.

Pagmimina sa Didipio, Nueva Vizcaya. (Larawan mula sa website ng Oceana Gold)
Pagmimina sa Didipio, Nueva Vizcaya. (Larawan mula sa website ng Oceana Gold)

Malawakang pagguho ng lupa, pagkalason ng tubig sa mga ilog at pagkawala ng patubig sa mga lupang sakahan para gamitin sa operasyon ng mga minahan. Ilan lamang ang mga ito sa hindi magandang epekto ng malawakang pagmimina ng Oceana Gold Philippines Inc. (OGPI) sa Didipio, Nueva Vizcaya.

At isa lamang ang OGPI, isang kompanyang Australyano, sa maraming dayuhang kompanya ng pagmiminang may operasyon sa Pilipinas.

Ang itinuturong dahilan ng mga grupong makakalikasan sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya para halukayin ang mga yamang-mineral ng bansa: ang Philippine Mining Act of 1995 o Republic Act No. 7942. Mula kasi nang maisabatas ito, marami nang sakunang kaugnay ng pagmimina ang naganap. Dalawa sa pinakamalaki sa mga ito’y naganap sa Marinduque noong 1996 at sa Albay noong 2005.

Kaakibat rin ng malawakang pagmimina ang pangangamkam ng lupa, pagpapalayas sa katutubong mga mamamayan mula sa kanilang lupaing ninuno at paglabag sa karapatang pantao.

Hanggang nitong Marso 2011, umabot na sa 785 mining agreement ang inaprubahan ng gobyerno at lalong nangangamba rito ang mga grupong makakalikasan dahil sa programang private-public partnership (PPP) ni Pang. Benigno Aquino III.

Kaya mariin ang panawagan ng mga grupong makakalikasan na ibasura na ang Mining Act of 1995.  Anila,16 na taon nang umiiral ang RA 7942 pero hindi nito napaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas tulad umano ng sinasabi ng mga tagapagtaguyod nito sa gobyerno at dayuhang mga korporasyon.

Kasabay nito ang pagpanukala ng isang makakalikasan at makataong batas sa pagmimina. Sa pamamagitan ng mga konsultasyon at pakikipag-usap sa iba’t ibang sektor na maaapektuhan ng pagmimina, nabuo ng grupong Defend Patrimony at iba’t ibang organisasyong masa ang People’s Mining Policy (PMP) bilang alternatibong balangkas ng patakaran sa pagmimina.

Mula rito’y binuo naman ang House Bill 4315 o ang Peoples’ Mining Bill (PMB) (An Act Re-Orienting the Philippine Mining Industry, Ensuring the Highest Industry Development Standards, and for other Purposes) na ngayo’y isinusulong ng progresibong mga kinatawan ng mga party-list sa pangunguna ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan at ACT Teachers.

Malaki at marami ang pagkakaiba ng People’s Mining Bill at ng umiiral na Mining Act of 1995. Inilatag ng Pinoy Weekly ang ilan sa mga ito para maikumpara.

Mining Act of 1995 People’s Mining Bill
Balangkas ng pag-unlad Ang industriya ng pagmimina ay pasisiglahin sa pamamagitan ng fiscal reforms, at dagdag na benepisyo at insentibo para sa mga dayuhang mamumuhunan. Ang industriya ng pagmimina ay pauunlarin batay sa balangkas na pagsasabansa ng industriya tungo sa pagsasarili, pagkamit ng tunay na reporma sa lupa, makabagong agrikultura at pagpapaunlad sa mga baryo.
Pagpapasya Ang Pangulo ang nagpapasya sa pamamahagi ng mining permit na gagabayan ng rekomendasyon mula sa kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nakabatay ang desisyon sa National Industrialization Program at National Mining Plan. Ang pasya ay magmumula sa Multi-Sectoral Minerals Council (MSMC) na binubuo ng kinatawan mula sa gobyerno at mga apektadong komunidad at organisasyon.
Ang lahat ng lugar ay “bukas” sa pagmimina maliban na lamang kung ipapahayag ng gobyerno na “sarado.” Ang lahat ng lugar ay ituturing na “sarado” sa pagmimina maliban na lamang kung mapagpasyahan ng MSMC na ibukas sa pagmimina.
Bahagi ng ahensiya ng gobyerno Ang DENR ay may awtoridad na pumasok sa mineral agreements. Ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupang mineral, pananaliksik at paggalugad ng mga yamang mineral. Ang direktor ng MGB ang nagpapayo sa kalihim ng DENR kung sinu-sino ang maaaring bigyan ng mga mining agreement. Ang MGB ay isang scientific research institution sa ilalim ng DENR. Ang MGB ang tanging ahensiya na may karapatan sa eksplorasyon at sa pagtukoy ng mga istratehikong yamang mineral na kailangan ng bansa para sa pag-unlad.
Ekonomiya Ang bahagi ng gobyerno sa excise tax ay 2% lamang.

Anim na taong hindi nagbabayad ng income tax ang mga kompanya ng pagmimina.

Mayroon din silang 10 taong export at import tax exemption.

May insentibo ang mga kompanya para sa Pollution Control Devices, Income Tax-Carry Forward of Losses, Income Tax-Accelerated Depreciation at Investment Guarantees.

Kabilang sa investment guarantees ang : Repatriation of Investments, Remmitance of earnings, foreign loans/contract, Freedom from expropriation, Requisition of Investment at Confidentiality of information.

Tinaasan ang bahagi na makukuha ng gobyerno at komunidad.

Ang lahat ng kontraktor ng malawakang pagmimina ay kailangang ideposito ang kanilang kapital at kita sa bangko o mga institusyong pampinansiya sa Pilipinas.

Ang mga may foreign financial assistance ay kailangang ipahayag ang lahat ng kinita. Maaari nilang ibalik sa sarili nilang bayan ang 50% ng kanilang kita bawat taon. Ang 100% na pag-uwi ng kita sa ibang bansa ay maaari lamang gawin isang taon pagkatapos ng kasunduan sa pagmimina at rehabilitasyon.

Permiso at kasunduan sa pagmimina Ekplorasyon 2-8 taong operasyon

32,000 ektarya sa kalupaan, 81,000 sa katubigan

Tinanggal ang FTAA.

Hanggang 15 taon lamang ang operasyon.

Hanggang 500 ektarya lamang ang maximum na concession area.

60% pag-aari ng Pilipino, 40% pag-aari ng dayuhan

Hindi pinahihintuutan ang paglilipat/pagbebenta ng permit/agreement

Ikakansela ang permit ng mga kompanyang nanakot, nanlinlang, nanuhol at lumabag sa karapatang pantao, gumamit ng pribadong hukbo at lumabag sa mga probisyon ng batas.

Hindi na muling pahihintulutan ang mga kompanyang nagkasala.

Ang mga opisyal ng gobyerno na napatunayang nagkasala ay tatanggalin sa posisyon at hindi na pahihintulutang humawak ng posisyon sa gobyerno.

Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) 25-50 taong operasyon

Pinahihintulutan ang 100% pagmama-ari ng dayuhan.

Maaaring ilipat/ibenta ang mining permit/agreement

Administratibong paglabag lamang ang batayan ng pagkansela ng permit/agreement. Hindi kinikilala ang paglabag ng kompanya sa karapatang pantao bilang batayan ng pagkansela

Kalikasan at kapaligiran Nakabatay sa Environmental Impact Assessment na ginawa ng kompanya.

Maluwag sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

No mining area sa mga kritikal na lugar tulad ng mga watershed, key biodiversity areas, small island ecosystem, atbp.

Inuuna ang pangangailangan sa tubig ng mga mamamayan.

Suporta sa maliitang pagmimina sa pamamagitan ng pananaliksik at pagbuo ng teknolohiya.

Rehabilitasyon ng mga lugar na pinagminahan.