Main Story

Mga Lumad sa Davao del Norte, muling biktima ng pagsalakay ng militar


Lumikas ang mahigit 1,000 katutubong Ata-Manobo Lumad mula sa Talaingod, Davao del Norte dahil sa malaking presensiya ng militar sa kanilang lumang pamana (ancestral land) nitong Marso 28. Bitbit ang kanilang mga gamit at hayop, lumisan ang mga lumad, pati na ang mga mga bata at matatanda, sa takot na madatnan ng mga kasundaluhan at […]

Aabot sa 1,000 katutubong mamamayan mula sa Talaingod, Davao del Norte ang lumikas sa kanilang mga komunidad dahil sa matinding militarisasyon. <strong>Niel Brene Lopez</strong>
Aabot sa 1,000 katutubong mamamayan mula sa Talaingod, Davao del Norte ang lumikas sa kanilang mga komunidad dahil sa matinding militarisasyon. Niel Brene Lopez

Lumikas ang mahigit 1,000 katutubong Ata-Manobo Lumad mula sa Talaingod, Davao del Norte dahil sa malaking presensiya ng militar sa kanilang lumang pamana (ancestral land) nitong Marso 28.

Bitbit ang kanilang mga gamit at hayop, lumisan ang mga lumad, pati na ang mga mga bata at matatanda, sa takot na madatnan ng mga kasundaluhan at maging direktang target nito.

Sa isang linggong paghahanap nito ng isang ligtas na lugar, tuluyan ng nilikas ng mga Lumad ang Talaingod, Davao del Norte at pumunta sa Davao City para maiparating ang panawagang paalisin na ang mga tropa ng sundalo ilalim ng 60th Infatry Battalion ng Philippine Army at ng 4th Special Forces ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Datu Doloman Dawsay, tagapagsalita nang Salugpongan Ta’ Tanu Igkanugon, “Ang patuloy na panghaharas ng sundalo sa aming komunidad ang nagtulak sa aming mga Lumad na lumisan dahil takot na ang mga taong pumunta sa kanilang mga taniman…May pagkakataong nagiging target sila ng mga sundalo ‘pag may operasyon.”

Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, tinatarget ang komunidad

Pambobomba

Mga bata ang ilan sa pinaka-apektado ng mga paglabag ng militar sa karapatang pantao. <strong>Niel Brene Lopez</strong>
Mga bata ang ilan sa pinaka-apektado ng mga paglabag ng militar sa karapatang pantao. Niel Brene Lopez

Isiniwalat ni Datu Doloman na noong Marso 20, pinagbobomba ng militar ang kanilang mga taniman. Aniya, tumagal ang pagsabog nang ilang oras; nang kanilang puntahan ang kanilang taniman, sira na ang mga ito.

Iginiit ni Dawsay na isang matandang Lumad na si Ubunay Manlaon ay sapilitang kinuha ng mga sundalo at ginawang giya at tinalian pa ang mga kamay at paa.

“Maraming paglabag sa mga karapatan naming mga Lumad ang nararanasan namin, simula nang pumunta ang mga sundalo sa aming kumunidad. Kapayapaan ang nais namin, gayundin ang maayos na pamumuhay, dahil kaming mga Lumad ang laging biktima sa kawalan ng edukasyon at pagkalinga mula sa gobyerno,” sabi naman ni Isidro Indao, tagapagsalita ng Pasaka, isang grupong pangmasa ng mga Lumad sa kanilang lugar.

Patuloy ang pakikibaka ng mga Lumad na ma protektahan ang Pantaron Range mula sa malaking komersiyal na pagmimina at pagsira sa mga kagubatan dahil sa maramihang pagputol ng mga kahoy.

Noong 1994, nagdeklara na sila ng “pangayaw” o tribal war laban sa Alson company guards para maprotektahan ang lupang pamana. Ito rin ang unang pagkakataong lumikas ang mga Lumad sa kanilang komunidad.

Nanawagan ang kanilang grupo sa lokal na mga pamahalaan at sa mga tao na suportahan sila at tuluyan nang palikasin ang mga sundalo sa kanilang lugar.