Pinoy Weekly
Posts tagged as: Senate

Bantay-Litis: PW Blog sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona

PW Bantay-Litis

Impormal na mga tala hinggil sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona Jr. ang lalamanin ng seksiyong ito ng Pinoy Weekly. Layunin nito na baybayin sa simpleng paraan ang pasikut-sikot na daan patungo sa katotohanan (o kasinungalingan) at magprisinta ng panimulang mga obserbasyon at progresibong pagsusuri hinggil dito.

Unang hakbang sa pagpapanagot sa rehimeng nakaraan

Renato Corona, Cristina Corona

Nairaos ng impeachment court ng Senado ang unang araw ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Para sa marami, unang hakbang lamang ito para mapanagot ang nakaraang rehimeng Arroyo

Impeachment ni Corona: ‘Pagpapanagot kay Arroyo, babala kay Aquino’

PHILIPPINES/

Bahagi ng pagpapanagot kay Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapanagot kay Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng impeachment trial sa Senado, paliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na isa rin sa mga prosecutor sa magaganap na impeachment.

P6,000 dagdag-suweldo, iginiit ng mga kawani ng Senado

Iginiit ng mga empleyado sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panawagan ng mga kawani ng gobyerno para sa P6,000 na dagdag sa kanilang buwanang suweldo.

Larawan: ‘Magnificent 12′ vs US Bases muling nagtipon, pinarangalan

Nagtipon sa pambihirang pagkakataon ang ilan sa 12 senador na bumoto para ibasura ang pananatili ng baseng militar ng US sa bansa noong taong 1991. Sa kabila ng presyur ng gobyernong US at Cory Aquino, bumoto ang Senado, 12-11, para ibasura ang ekstensiyon ng baseng militar ng US sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales — isang pambihirang pagkakataon na pagpapapmalas ng makabayang paninindigan ng Senado. Ginanap ang pagtitipon sa Club Filipino, San Juan noong Setyembre 16, ika-20 anibersaryo ng makasaysayang pagboto sa Senado. (Boy Bagwis)

Paninindigan sa gitna ng bangayan

Anumang layuning paglingkuran ang interes ng publiko sa pamamagitan ng imbestigasyon sa pagkakasangkot diumano ni Sen. Manny Villar sa kontrobersiyal na konstruksiyon ng C-5 ­extension project, tila naglaho na sa pulitikal na mga pagdinig sa Senado.

Con-Ass: Bakit inaayawan ng taumbayan?

Sa susunod na linggo ay isa na namang pagkilos  ang gagawin laban sa panukalang baguhin ang ating Saligang Batas sa pamamagitan ng  Constituent Assembly (Con-Ass). Noong unang ginawa ang protesta tungkol rito sa Lunsod ng Makati, mga 15,000 hanggang 20, 000 katao kaagad ang dumalo   Sa mga susunod na protesta, inasahang marami pa ang dadalo. Bakit ganun na [...]

Militanteng kongresista nanawagan ng malawakang protesta laban sa ‘tiraniya ng mayorya’ sa Kamara

Binatikos ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang mga hakbang ng mayoryang maka-administrasyon sa Kamara para madaliin ang pagpasa ng House Resolution 1109 na magbubuo ng isang Constituent Assembly (Con-ass) para repasuhin ang Saligang Batas. Kaugnay nito, nanawagan si Mariano ng malawakang protesta laban sa pinakabagong hakbang ng mga alyado ng Malakanyang para maipasok ang mga [...]

Iskandalo at peryodismo

Opo, tungkol ito sa mga sex video ni Dr. Hayden Kho na kumakalat ngayon sa Internet at sa mga lugar sa Pilipinas na nagbebenta ng mga piniratang DVD. Alam kong sawang-sawa ka na sa isyung ito, salamat sa midyang binigyan ito ng napakahabang oras at napakalaking espasyo. Nitong mga nagdaang araw, tila wala nang iba [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes