Maligayang sinalubong ng progresibong mga organisasyon at mambabatas ang pagpapalaya kay Elizabeth Principe, detinidong pulitikal at konsultant sa usapang pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines. Hinarang ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapalaya sa kanya pero dahil sa mga piket ay napresyur na pakawalan si Principe. (KR Guda)
Hindi lang nangyayari sa University of the Philippines ang panghihimasok ng militar at iba pang ahente ng estado para supilin ang mga kalayaan at karapatan. Maraming pamantasan sa buong bansa ang biktima ng pananakot at paniniktik.
Halos katumbas umano sa pagiging kasabwat ng militar ang pagpasok ng unibersidad sa nasabing kooperasyon sa pagtapak ng militar sa mga karapatang pantao at tumitinding pampolitikang panunupil.
Lantad na ang AFP sa modus nila. Napakaraming ebidensiyang nagpapatunay sa kanilang pagsisinungaling. Pahaba nang pahaba ang listahan ng kanilang mga krimen.
Nagkakabuhol-buhol ang paliwanag ng gobyerno dahil gusto nitong pagmukhaing “insurgency-free” ang bansa para makaakit ng dayuhang pamumuhunan, pero kailangan ding bigyang palusot ang bilyon-bilyong pondong inilalaan kada-taon para sa militar.