Lider-simbahan, OFWs sa HK, kinondena ang pagpaslang kay Fr. Pops
Nanawagan ng hustisya para kay Fr. Fausto “Pops” Tentorio ang mga lider-simbahan at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong, na naaalarma sa pagdami ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng gobyernong Aquino. Isang liham ng pagkondena sa pagpaslang ng Italyanong pari ang pinirmahan ng 19 lider-simbahan at relihiyosong organisasyon na naka-base sa […]

Nanawagan ng hustisya para kay Fr. Fausto “Pops” Tentorio ang mga lider-simbahan at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong, na naaalarma sa pagdami ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng gobyernong Aquino.
Isang liham ng pagkondena sa pagpaslang ng Italyanong pari ang pinirmahan ng 19 lider-simbahan at relihiyosong organisasyon na naka-base sa Hong Kong. Inendorso rin ito ng mga grupong migrante at isang mambabatas ng Hong Kong.
“The culture of impunity persists and yet again has victimized another man of the Church whose devotion to the cause of the Lumad in Mindanao, the poor, and the Filipino people has been unflappable. Like that of all others before him, Fr. Tentorio’s death calls for immediate justice,” ayon kay Joram Calimutan ng United Churches of Christ in the Philippines at Promotion of Church People’s Response-HK.
Sa isang protesta noong Nobyembre 3 sa Philippine Consulate General, sinabi ni Bruce Van Voorhis ng HK Campaign for the Advancement of Human Rights and Peace in the Philippines na naaalarma rin ang mga mamamayan ng Hong Kong sa pagdami ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Si Tentorio, isang pari na kontra sa pagmimina at nanilbihan sa mga Lumad sa North Cotabato, ay pinaslang noong Oktubre 17. Siya ang ika-56 na biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng gobyernong Aquino.
Binatikos ni Van Voorhis ang Oplan Bayanihan, programang kontra-insurhensiya ni Aquino, na umano’y walang pinagkaiba sa Oplan Bantay Laya ni dating pangulong Gloria Arroyo. “Oplan Bayanihan clearly appears to head in the same direction as its predecessor – killings, enforced disappearances, the displacement of militarized people, and fading hopes for a just peace,” aniya.
Kasama ng mga lider-simbahan at OFWs ang mga miyembro ng Pontifical Institute for Foreign Missions, and order na kinabibilangan ni Tentorio.