Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.

Citira: kanino ito pumapabor?

Sa pamamagitan ng Citira ay pababain nang dalawang porsiyento ang corporate income tax bawat dalawang taon hanggang maging 20 porsiyento na lang ito sa 2029 mula sa kasalukuyang 30 porsiyento.

Batas sa pagreretiro

Ayon sa Article 302 ng Labor Code, ang empleyado sa pribadong sektor ay kailangang magretiro sa kanyang trabaho sa edad na 65 basta siya ay nakapagtrabaho nang hindi bababa sa limang taon sa kompanya.

Kaso sa same-sex marriage: tapos na ba talaga?

Ayon sa survey ng isang US-based research foundation, kabilang ang Pilipinas sa tinuturing na “most gay–friendly nations” sa buong mundo. Sa 38 bansa na kasali sa survey, lumalabas na pang sampu ang Pilipinas sa pagiging gay-friendly. Sa buong Asia naman, numero uno ito.

Programang kontra-droga ng administrasyon

Mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2018, mayroon nang 117,385 operasyon laban sa droga na nagbunga ng pagka-aresto ng 167,135 katao at pagkakumpiska ng droga at mga laboratory equipment sa halagang P25.62 Bilyon.