Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.

Project employee nga ba?

Sinabi ng Korte Suprema na kahit man sabihin na isang project employee si Edgar sa simula, ang patuloy na pagkuha sa kanya ng Pacific Metals upang gampanan ang mga gawain na mahalaga sa negosyo nito ay sapat na upang ituring si Edgar bilang isang regyular na empleyado ng Pacific Metals.

Pagtatrabaho sa call center

(M)aituturing na nagkasala ang kompanya ng constructive dismissal kung gumagawa ito ng hakbang para ang isang empleyado ay mahirapan, magipit, o di kaya ay di na makakapagpatuloy sa kanyang trabaho.

Krisis sa tubig

Dahil sa pagtayo ng Kaliwa dam, ang ating utang dito mula sa China ay napakalaki at makadadagdag sa ating malaking utang sa iba pang bansa. Maaaring isakripisyo ng gobyerno ang ating teritoryo upang mabayaran ang nasabing pagkakautang.

Mga magsasaka ng palay: saan patungo

Matatandaan na noong 1970s, ay labis-labis ang supply ng bigas dito sa Pilipinas at sa atin pa bumibili ang ibang bansa tulad ng Indonesia, China, at Burma. Kaya lang, sa paglago ng populasyon ng ating bansa at dahilan sa iba pang suiranin, ay naging rice importer na tayo at noong taong 2017, tayo ang pangalawang pinakamalaking mag-import ng bigas sa buong mundo, sunod sa China.

Tungkol sa fixed-term employment

Sinabi ng Korte Suprema na bagamat hindi pinagbabawal sa ating batas ang fixed–term employment contract, kung ang kasunduang ito ay ginagamit lamang ng manedsment upang hadlangan ang right to security of tenure o karapatan sa kaseguruhan sa trabaho ng isang manggagawa, maaari itong ideklarang walang bisa.

Pagtatanggol sa Sierra Madre

Mula hilaga hanggang timog ng Sierra Madre sa Timog Katagalugan, nakaamba at inuumpisahan na ang mga proyektong diumano’y “pangkaunlaran” na nagbunga ng iba’t ibang sakit, at pinsala sa kabuhayan ng mga pamayanang katutubo, magsasaka at mangingisda.

Karapatang magbuo ng unyon

Kailangan ding maipakita ng unyon na ang kanyang mga kasapi ay may panlahatan o komon na interes pagdating sa usapin ng sahod, panahon ng pagtatrabaho, kondisyon sa pagtatrabaho, at iba pang bagay na pinag-uusapan sa collective bargaining.