Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

‘All-out justice’ na giyera ni PNoy sa Basilan, kinontra ng grupong Moro

Ipinaalala ng isang grupong nangangalaga ng karapatan ng mga mamamayang Bangsamoro na “walang pinag-iba” ang direktiba ni Pang. Benigno Aquino III na “all-out justice” kontra sa ilang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan sa mga direktibang “all-out war” ni dating Pang. Joseph Estrada at “all-out peace” ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Larawan: Agarang hustisya para kay Fr. Pops, iba pang biktima ng pamamaslang, pagdukot iginiit

Nagpiket sa harapan ng Department of Justice ang grupong Karapatan, Promotion of Church People's Response (PCPR) at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) upang hilingin kay Sek. Leila de Lima ng Hustisya na agarang imbestigahan at bigyan ng katararungan ang pagpaslang sa Italyanong pari na si Fr. Fausto Tentorio. Si Tentorio na isang misyonero sa bayan ng Arakan, North Cotabato ay binaril at napaslang ng hindi nakikilang salarin sa loob ng kanyang parokya. Malakas ang hinala ng mga grupo na paramilitar ang pumaslang sa naturang pari. (Macky Macaspac)

Larawan: Takbo para sa karapatan ng mga bata

Bitbit ang mga banderita na nagsasaad ng kanilang kahilingan, ginunita ng mga child rights advocates at mga bata ang National Childrens Month sa pamamagitan ng isang marathon sa palibot ng Quezon City Memorial Circle. Ilan sa kanilang kahilingan ang pagbibigay ng sapat na badyet sa edukasyon, pagbasura sa panawagang amyendahan ang juvenile justice law, katarungan para sa mga batang biktima ng karahasan ng militar at iba pa. Ginanap din ang kahalintulad na fun run sa Iloilo, Bacolod at Vigan, Ilocos Sur. (Macky Macaspac)

Patakarang kontraktuwalisasyon ni PNoy kinondena

Nagmartsa patungong Mendiola ang iba't ibang unyon sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) bilang pakikiisa sa mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon.

Anti-planking na kongresista sumuporta sa P125 dagdag-sahod

Pinuri ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Rep. Carlos Padilla ng Nueva Viscaya at Quezon City Rep. Winston “Winne” Castelo sa pagbibigay suporta sa House Bill 375, na mas kilala bilang panukalang batas na P125 across-the-board wage hike.

Misteryo sa sobrang presyo ng kartel sa langis

Hindi napag-usapan ang overpricing sa langis sa dayalogo ng iba't ibang grupong transportasyon kay PNoy. Paano ba talaga nagpapatong ng sobrang presyo ang mga kompanya ng langis? At papaano sila nakakalusot sa garapal na kotong na ito?