Pinta sa katawan, para sa kalayaan
Artista ng henna tattoo (pansamantalang tattoo, gamit ang ink na henna), na gumuguhit sa braso ng isang tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal.
Artista ng henna tattoo (pansamantalang tattoo, gamit ang ink na henna), na gumuguhit sa braso ng isang tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal.
Hindi lamang isyu ng sektor ng transport ang pagtaas ng presyo ng langis. Kung gayon, ayon sa militanteng mga organisasyon, hindi lamang sektor ng transport ang dapat magwelga sa Lunes, Setyembre 19. Iba't ibang organisasyon ng mga maralitang sektor ang maglulunsad ng "protestang bayan" para igiit ang mga panawagang labanan ang P9 overpricing sa langis, EVAT sa langis, at Oil Deregulation Law.
Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)
Hiniling ng militanteng grupo ng mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan sa publiko at sa mga kapwa tsuper at operator na sumuporta sa tigil-pasada sa Setyembre 19, Lunes.
Nagsagawa ng noise barrage ang Pagkakaisa ng Samahang ng mga Opereytors at Draybers Nationwide o Piston sa Cubao, Quezon City bilang protesta sa "kakarampot na rolbak sa presyo ng diesel at gasolina" na ipinatupad ngayon ng mga kompanya ng langis. Hiling ng grupong magpatupad ng "one time big time rolbak" na di bababa sa P9 kada litro sa langis, dahil ito umano ang halaga ng overpricing sa produktong petrolyo. (Macky Macaspac)
Kinondena ng militanteng mga obrero ang hakbanging “special separation program” ng kompanyang Honda Cars Philippines Incorporated, na ayon sa kanila’y isang mapanlinlang na programa na wawasak sa kanilang unyon.
Piniket ng militanteng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang tanggapan ng San Miguel Corporation ni Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. na siyang mayoryang may-ari na ng Petron Corporation. Ipinrotesta ng KMU ang anila'y di bababa sa P9 na overpricing sa langis. Petron ang nangungunang korporasyon ng langis sa bansa na may pinakamalaking kita mula sa "overpricing," ayon sa KMU. (Macky Macaspac)
Malaking balakid sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Philippines (GPH) dahil sa pahayag ni Atty . Alex Padilla, punong negosyador ng GPH, na wala nang bisa (inoperative) ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig), kasunduan na pinirmahan ng magkabilang panig noong Abril 1995 […]
Ipinoprotesta ng iba't ibang sektor ang P9.00 na overpricing sa kada litro ng langis. Umano'y mas mataas ang sinisingil ng mga lokal na kompanya ng langis sa bawat pagtaas ng presyo ng langis sa world market, at mas mababa naman ang inirorolbak sa bawat pagbaba ng presyo nito.
Iginiit ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang kagyat na aksiyon ng Catholic Bishop Conference of Philippines (CBCP) at ni Obispo Juan de Dios Pueblos sa kasong isinampa ng isang menor-de-edad laban sa Katolikong pari na si Raul Cabonce. Sinabi ng Gabriela na dapat itigil ni Pueblos ang pagbibigay proteksiyon sa nasabing pari, matapos lumabas sa […]