Pinoy Weekly Staff

Maita Gomez, 65

Pinagluluksa ng iba’t ibang progresibong organisasyon ang biglang pagpanaw ni Margarita “Maita” Gomez. Si Gomez, 65, ay tagapangulo ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan). Kilala rin siya bilang kababaihang aktibista at bahagi ng henerasyon ng kabataan at intelektuwal na lumahok sa armadong rebolusyon bago at matapos ideklara ang batas militar ng diktadurang Marcos. Pumanaw si […]

Gabriela nakipagkapit-bisig vs korporatisasyon ng pampublikong ospital

Naglunsad ng human chain, na koordinado sa iba’t ibang lugar sa bansa, ang grupong pangkababaihan na Gabriela sa harap ng mga pampublikong ospital para ihayag ang pagtutol sa “korporatisasyon” ng pampublikong mga ospital sa bansa. Sa harap ng tanggapan ng Department of Health at Jose Reyes Memorial Medical Center sa Manila, nagprograma ang daan-daang kababaihan […]

Planong pagpasok ng ‘higit na maraming’ US warships, binatikos

Binatikos ng militanteng mga grupo ang administrasyong Aquino para sa paghayag na inaasahang darating sa bansa ang “higit na maraming” barkong pandigma ng US. Gayundin, umalma sila sa umano’y “sinikreto” na pagbisita sa bansa ng pinakamataas na opisyal ng militar ng Estados Unidos. Inihayag ng Department of Foreign Affairs na magiging mas madalas ang port […]

Dahil sa ilegal na pagpiit sa kampo militar: Detenidong NDF konsultant, nag-hunger strike

Nagsimula kahapon ang walang-taning na hunger strike ni Ramon Patriarca, isang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kasalukuyang nakabilanggo sa Camp Lapu-Lapu sa Cebu City, ang himpilan ng AFP Central Command (Centcom) na nakasasaklaw sa buong Kabisayaan. “Hindi ako dapat ikulong sa Camp Lapu-Lapu… Dito ako dinala ng militar nang damputin […]

Tunay na pagpapanagot, di nagtatapos kay Corona

Bagamat natuwa ang mga progresibong grupo sa paghatol ng maysala kay Chief Justice Renato Corona sa paglabag sa Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko, naniniwala ang mga ito na mahaba pa ang lalakbayin kung “tunay na pagpapanagot” ang pag-uusapan. “Hindi ito nagtatapos kay Corona. Malalaman natin kung ang katapusan ng prosesong ito ay magbibigay-daan […]

Coronavela

Hindi mabuti ang layunin ng administrasyong Aquino sa pagtutulak ng impeachment at hindi rin puro masama ang ginawa ni Corona sa paglaban dito

100,000 obrero nagmartsa sa Araw ng Paggawa

Para sa mga manggagawang Pilipino sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, tuta ng gobyernong US, at ng mga kapitalista, komprador at panginoong maylupa si Pangulong Aquino. Sa pamamagitan ng dambuhalang protesta noong Araw ng Paggawa, Mayo 1, ipinakita nila ang matinding disgusto sa kasalukuyang administrasyon at Pangulo

Dokumento: SMDC ni Henry Sy, ‘partner’ ng lokal na gobyerno sa ‘development’ ng Silverio Compound

Sa kabila ng pagtanggi ng SM Development Corporation (SMDC) na may kinalaman sila sa planong development (i.e. pagpapatayo ng condominiums) sa Silverio Compound sa Sucat, Paranaque City, naglabas ang mga residente at tagasuporta nila ng isang photocopy ng dokumento ng lokal na pamahalaan ng Paranaque City. Ito umano ang magpapatunay na partner ng lokal na pamahalaan ng Paranaque at National Housing Authority ang SMDC sa pinaplanong diumano'y development sa lugar