Pinoy Weekly Staff

Pinoy sa ibang bansa, tutol din sa Balikatan

Kaliwa’t kanang protesta laban sa kasalukuyang Balikatan Exercises ang idinaos ng mga Pilipinong naninirahan o nagtatrabaho sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, Netherlands, Hong Kong, Australia, at Canada. Sa New York, nasorpresa ang mga opisyal ng Philippine Consulate nang magsagawa ng lightning rally sa lobby ng konsulado ang mga kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan- […]

Larawan at bidyo: Rebolusyonaryong obrero nagdiwang sa anibersaryo ng NPA

Ipinagbunyi ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Union (RCTU), isang underground organization na kasapi ng National Democratic Front, ang ika-43 anibersaryo ng New People's Army. Nagmartsa ang mga ito sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City. Ang NPA at NDF, sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines, ay naglulunsad ng armadong pakikibaka mula 1969 para pabagsakin ang kasalukuyang pampulitika at pang-ekonomiyang sistema sa bansa.

Presyo ng langis, nagtaas na naman sa gitna ng ‘Noynoying’

Nagdeklara ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw. Ito ay matapos hindi magtaas ng presyo ng langis noong nakaraang linggo, sa gitna ng malawakang Protestang Bayan laban sa pagtaas ng presyo ng langis. Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw, nagtaas ang Shell sa presyo ng unleaded at premium gas ng 70 […]

Hacienda Luisita, ‘laboratoryo’ ng Oplan Bayanihan?

Pinaigting ng mga grupong magsasaka ang kanilang panawagan para sa pull-out ng mga puwersang militar sa Hacienda Luisita matapos ang isang fact-finding mission na nagkukumpirma sa matinding militarisasyon sa asyenda ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III. Inamin mismo ni Maj. Enrico Gil Lleto, tagapagsalita ng 7th Infantry Division, na ipinapatupad sa Hacienda Luisita ang Oplan […]

Nanalong tagapangulo ng student council sa UPLB, di pa rin naipoproklama

Mahigit isang linggo makaraan ang halalan ng konseho ng mag-aaral sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), hindi pa rin ipinoproklama ng Central Electoral Board (CEB) ang nanalong tagapangulo ng student council dahil sa umano’y di-pagbayad ng kanyang matrikula sa takdang panahon. Ayon sa partidong Sakbayan, maanomalya ang di pagproklama sa nanalong kandidato na si Ynik Ante […]