Pinoy Weekly Staff

Mga Bikolano nagkampo, nagkaraban vs kampanyang kontra-insurhensiya ni PNoy

Aabot sa 12,000 Bikolano sa iba’t ibang pangunahing lungsod sa rehiyon ng Bikol ang naglunsad ng kampanya kontra Oplan Bayanihan, programang kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino na anila’y dudulot sa mas matinding paglabag sa karapatang pantao. Tinaguriang Kilusan Laban sa Militarisasyon sa Kabikolan, pinangungunahan ang kampanya ng iba’t ibang sektoral at pangmasang organisasyon. Layunin nilang igiit […]

Suspensiyon ng Juvenile Justice Law, tinutulan

Hindi pabor ang mga indibidwal at grupo na nagtataguyod ng karapatan ng bata sa panukalang suspensiyon sa Juvenile Justice and Welfare Act. Sa press conference ngayong araw, nagpahayag ng pagkadismaya ang iba’t ibang grupo dahil kinukonsiderang amyendahan o suspendihin ang isang progresibong batas na nagtataguyod ng kagalingan ng mga batang nasasangkot sa krimen. “Hindi pa […]

Bagong rekisitos para sa OFWs sa UAE, nagbunga ng korupsiyon?

Tinawag ng Migrante International na “kotong” ang affidavit of support (AOS), isang bagong rekisitos na ipinataw ng Philippine Consulate para sa mga Pilipinong patungo sa United Arab Emirates. Nagbunga rin umano ito ng korupsiyon sa mga opisyal ng Bureau of Immigration. Tinatayang P18-Milyon kada taon ang makokolekta ng gobyerno sa singil sa AOS, ayon sa Migrante. Nagkakahalaga […]

Ka Roger, karismatikong rebolusyonaryo

Ilang sipi ng mga alaala ng iba't ibang personahe, hinggil kay Gregorio "Ka Roger" Rosal. Narito rin ang mga larawan, sa iba't ibang panahon, ng tinitingalang tagapagsalita ng armadong rebolusyon sa Pilipinas.

Pagpanaw ng mukha’t boses ng rebolusyon

Inanunsiyo ng Communist Party of the Philippines ang pagpanaw noong Hunyo 22 ng mukha at tagapagsalita ng rebolusyonaryong kilusan na si Gregorio "Ka Roger" Rosal. Sa Oktubre 15, nakatakdang parangalan ng lahat ng gerilya sa bansa ang yumaong lider, sa pamamagitan ng gun salute.

Cha-cha: Sayaw na rin ni PNoy

Gaano man niya itanggi, hindi maikukubli: Pabor sa administrasyon ni Benigno Aquino III kung magkakaroon ng Charter Change (Cha-cha).