Liderato ng Palea, nagtaksil sa mga manggagawa ng PAL?
Ang hindi pagdeklara ng welga noong Oktubre 1 ay isang indikasyon ng pagtataksil ng liderato ng Philippine Airlines Employees Association (Palea) sa mga manggagawa ng PAL. Ito ang inihayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), militanteng sentro ng paggawa, na kinondena ang liderato ng Palea habang sinusuportahan naman ang laban ng mga manggagawa.