Soliman A. Santos

Soliman Santos took up Malikhaing Pagsulat at University of the Philippines-Diliman. He is currently teaching at Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa.

Di lang pagkontrol sa populasyon

Pangangalaga sa kalusugan ng babae, bata’t matanda ang pakay ng Reproductive Health Bill na ipinapanukala ng Gabriela Women’s Party sa Kamara. Duda silang matutugunan ito ng pinalabnaw na bersiyon na Responsible Parenthood Bill ng Malakanyang.

Para may pambaon

Masigasg siyang nagtitinda ng daing sa palengke ng Rosario, La Union sa umaga para may maibabaon at pamasahe sa pagpasok sa eskuwela sa hapon. (Soliman A. Santos)

Tropang Kano lumalagi sa Hacienda Luisita

Tatlong beses nang pumunta ang mga sundalong Amerikano sa Hacienda Luisita. Magtatayo raw sila ng mga imprastraktura roon. Pero batid ng mga taga-asyenda ang totoong pakay ng mga Kano: Ang pagsupil sa paglaban ng mga mamamayan ng Hacienda Luisita para sa hustisya at reporma sa lupa.

Trabaho at serbisyo hindi limos

Itong conditional cash transfer na ba ang pinakasulong na plano ng administrasyong Aquino para maiahon sa kahirapan ang mga mamamayan – ang pagbigay ng limos? tanong ng militanteng mga kongresista. Wala naman kasing umuunlad ang buhay sa limos.

Tumitinding atake ng NPA sa AFP

Umiigting ang atakeng militar ng mga rebelde sa mga armadong puwersa ng gobyerno, laluna sa Mindanao. Ang gobyerno naman, ipinagpapatuloy ang programang kontra-insurhensiya na dati nang puminsala, hindi sa mga rebelde, kundi sa mga legal na aktibista.

Masaker ng migranteng manggagawa sa Mexico kinondena

Kinondena ng International Coordinating Committee at lahat ng miyembrong organisasyon ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang pagmasaker sa 73 migranteng manggagawa mula iba’t ibang bansa ng Latin America at nanawagan ng masusing imbestigasyon at katarungan para sa mga biktima.

Minahan banta sa seguridad ng pagkain sa Mindanao

Nanganganib ang pinagkukunan ng pagkain ng libu-lubong mamamayan sa ilang bayan sa Sultan Kudarat at Davao del Sur dahil sa malawakang proyektong pagmimina sa kanilang lugar na pinapayagan ng gobyerno.

$400-M conditional cash transfer magastos, di katanggap-tanggap – Rep. Casiño

“Magastos at di katanggap-tanggap” ang tawag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa US$400 Milyong programang conditional cash transfer (CCT) na ipatutupad ng gobyerno simula ngayong taon. Ang programa ay pinondohan ng World Bank. “Matapos tiyakin ni Budget Secretary Floriencio Abad sa budget hearing noong Setyembre 2 na walang pangungutang na magaganap sa pagtataas ng […]