Soliman A. Santos

Soliman Santos took up Malikhaing Pagsulat at University of the Philippines-Diliman. He is currently teaching at Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa.

Manggagawang bukid, magsasaka nagkampo sa DAR laban sa ika-23 taon ng CARP

Nagkampo ang mga manggagawang bukid at magsasaka mula sa Hacienda Luisita, Tarlac sa harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City  para iprotesta ang ika-23 taon ng anila’y huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Layunin din ng grupo na ipaabot sa Korte Suprema na magdesisyon ito pabor sa mga manggagawang bukid at […]

Mamamayan ng N. Cotabato dismayado sa desisyon sa Bt-talong

Dismayado ang iba’t ibang sektor sa North Cotabato sa naging desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ng naturang probinsiya na iendorso ang pagtatanim ng kontrobersiyal na Bt-talong sa kabila ng matinding pagtutol ng mamamayan. Sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Mayo 17, hinayaan nito ang field trial ng Bt-talong sa University of Southern Mindanao-Kabacan campus, batay na […]

Sa isla ng mga Mangyan

Silang unang nanirahan sa isla ng Mindoro ang kalauna’y itinaboy patungo sa mga kabundukan. Ngayon, dahil sa gobyerno at sa malalaking kompanya ng mina, pati sa kabundukan ay baka maitaboy din sila.

Agarang pagpasa ng RH Bill para sa kababaihan hindi dahil sa suporta ng US

Hindi simpleng pagpaplano sa pamilya at pagkontrol sa populasyon ang layunin ng Reproductive Health (RH) Bill kundi ang pagbibigay akses sa serbisyong pangkalusugan sa mga kababaihan, paalala ng Gabriela Women’s Party-list sa mga kongresista. Sinabi ito ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, sa gitna ng pagsuporta ng US Agency for International Development (USAID) sa pagbibigay sa […]

Aksiyon ng gobyerno sa ‘pinakamalalang panahon para sa mga OFW,’ hinahanap

Labing-anim na taon matapos mabitay si Flor Contemplacion sa Singapore, patuloy pa rin ang pagpapabaya at umano’y kataksilan ng gobyerno sa mga Overseas Filipino Worker (OFW), ayon sa Migrante International. “Ang mga nakaraang buwan ay naging mahirap para sa mga OFW at kanilang mga pamilya – nariyan ang mga OFW na nasa death row sa […]

Mga Pinoy, nakidalamhati sa mamamayan ng Japan

Nakidalamhati ang mga Pilipino sa mga mamamayan ng Japan na nasalanta sa malakas na lindol at tsunami at ngayo’y humaharap sa isang malagim na krisis nukleyar. Sa isang solidarity action sa Peace Bell sa Quezon City Memorial Circle ngayong gabi, nagpahayag ang  Bagong Alyansang Makabayan, Kalikasan- People’s Network for the Environment, Migrante International at iba […]

15 taon ng pagmimina, 15 taon ng sakuna

Para sa mga grupong makakalikasan, napatunayan ng 16 taon ng pagpapatupad ng Mining Act of 1995 na lalong ikinasira ng kalikasan, kultura at kabuhayan ang walang habas na pagpasok ng malalaking dayuhang kompanya ng mina. Panahon na, anila, para magpatupad ng isang maka-mamamayang batas sa pagmimina.

Namamasura para may pantawid-gutom

Hindi maawat ang pagsirit ng presyo ng mga batayang bilihin, ganundin ang mga batayang serbisyo. Napipintong tumaas ang singil sa tubig, kuryente at iba pa. Paano nga ba nabubuhay ang mga maralitang Pilipino sa panahon ng ‘tuwid na daan’?