Balitang Global

Bayan saludo sa tagumpay ng mga mamamayan ng Egypt

Binati ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang mga mamamayan ng Egypt sa pagpapatalsik sa rehimen ni Hosni Mubarak. “Matapos ang 18 araw ng walang tigil na protesta, sa gitna ng represyon, matagumpay na napatalsik ng mga mamamayan ang isa sa pinakamahabang diktadura sa Gitnang Silangan. Ang 30 taong paghahari ni Mubarak, na inayudahan ng US, […]

ILPS saludo sa matagumpay na pag-aaklas sa Tunisia

Saludo ang International League of People’s Struggle (ILPS) sa mga mamamayan ng Tunisia sa kanilang matagumpay na pag-aaklas at pagpapatalsik sa mapanupil na rehimen ni Tunisian President Zine al-Abidine Ben Ali, na lumayas sa naturang bansa noong Enero 14, 2011. Dalawampu’t tatlong taong naghari ang malupit na pamamalakad ni Ben Ali sa Tunisia. Ang protesta […]

Paglisan ng 30,000 tropang Kano sa South Korea, hiniling

Inihayag ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang kahilingan nito para sa paglisan ng mahigit 30,000 tropang Amerikano sa South Korea para mabigyang-daan ang “mapayapang muling pagsasanib ng Korea” at para “hayaan ang mga Koreano na matamasa ang karapatan nila sa sariling pagpapasya.” Kinondena ng ILPS ang kasalukuyan umanong panggugulo ng US at ng […]

US patalo sa Afghanistan

Halos isang dekada na sapul nang salakayin ng US at mga kaalyado nitong bansa ang Afghanistan. Pero, imbes na magapi ang mga rebelde, lalong lumalakas ang mga Islamic militants sa pamumuno ng Taliban. Pagkaraang mapatalsik sa Kabul, nakapagreorganisa na ang Taliban at lumalawak ang sakop nitong teritoryo, na halos mapasok na uli ang kapitolyo ng bansa.

Abogado sa UK sumulat kay Aquino kaugnay ng “Morong 43”

Sumulat kay Pangulong Benigno Aquino ang pinuno ng Haldane Society of Socialist Lawyers para aksiyunan ang kaso ng mga inarestong manggagawang pangkalusugan na mas kilala bilang “Morong 43”. Sa sulat na ipinadala ni Liz Davies, tagapangulo ng naturang grupo, na may petsang Oktubre 17, 2010, sinabi nitong sinusubaybayan nila ang kaso mula pa nang maaresto […]

Libu-libong Europeo, nagprotesta sa pagtitipid ng gobyerno

Umabot sa 100,000 mamamayan mula sa iba’t ibang unyon sa buong Europa ang nagprotesta noong Setyembre 29 sa Brussels, Belgium laban sa matinding pagtitipid na ginagawa ng kanilang mga gobyerno sa nakaraang mga buwan. Nagprotesta sila para sabihin sa European Union (EU) na hindi nila babayaran ang bailout ng nabangkaroteng mga bangko. Nangangahulugan ang bailout […]

Masaker ng migranteng manggagawa sa Mexico kinondena

Kinondena ng International Coordinating Committee at lahat ng miyembrong organisasyon ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang pagmasaker sa 73 migranteng manggagawa mula iba’t ibang bansa ng Latin America at nanawagan ng masusing imbestigasyon at katarungan para sa mga biktima.

Bidyo ng pagpaslang sa mga sibilyan sa Iraq, kumakalat sa internet

Kumakalat sa internet ang isang video na nakuha pa noong 2007, sa kasagsagan ng pagpasok ng tropang Amerikano sa Iraq. At dito, makikita ang walang habas na pagpaslang ng tropang Kano maging sa mga sibilyan sa pagpasok sa kanilang mga gera. Ipinapakita ng video na pinamagatang “collateral murder” ang atake sa mahigit isang dosenang katao. […]