Balitang Global

Abogado sa UK sumulat kay Aquino kaugnay ng “Morong 43”

Sumulat kay Pangulong Benigno Aquino ang pinuno ng Haldane Society of Socialist Lawyers para aksiyunan ang kaso ng mga inarestong manggagawang pangkalusugan na mas kilala bilang “Morong 43”. Sa sulat na ipinadala ni Liz Davies, tagapangulo ng naturang grupo, na may petsang Oktubre 17, 2010, sinabi nitong sinusubaybayan nila ang kaso mula pa nang maaresto […]

Libu-libong Europeo, nagprotesta sa pagtitipid ng gobyerno

Umabot sa 100,000 mamamayan mula sa iba’t ibang unyon sa buong Europa ang nagprotesta noong Setyembre 29 sa Brussels, Belgium laban sa matinding pagtitipid na ginagawa ng kanilang mga gobyerno sa nakaraang mga buwan. Nagprotesta sila para sabihin sa European Union (EU) na hindi nila babayaran ang bailout ng nabangkaroteng mga bangko. Nangangahulugan ang bailout […]

Masaker ng migranteng manggagawa sa Mexico kinondena

Kinondena ng International Coordinating Committee at lahat ng miyembrong organisasyon ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang pagmasaker sa 73 migranteng manggagawa mula iba’t ibang bansa ng Latin America at nanawagan ng masusing imbestigasyon at katarungan para sa mga biktima.

Bidyo ng pagpaslang sa mga sibilyan sa Iraq, kumakalat sa internet

Kumakalat sa internet ang isang video na nakuha pa noong 2007, sa kasagsagan ng pagpasok ng tropang Amerikano sa Iraq. At dito, makikita ang walang habas na pagpaslang ng tropang Kano maging sa mga sibilyan sa pagpasok sa kanilang mga gera. Ipinapakita ng video na pinamagatang “collateral murder” ang atake sa mahigit isang dosenang katao. […]