Balita

DSWD, pinagbabawalan ang mga benepisyaryo ng CCT na pumirma kontra pork barrel?

Ibinulgar ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na pinagbabawalan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) Program na pumirma sa People’s Initiative Against Pork Barrel (PIAP). Ayon kay Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng Kadamay, may sikretong utos si DSWD Sek. Dinky Soliman sa mga empleyado ng […]

Kababaihan, nagtipon para labanan ang korupsiyon

Pagbangon, pagpirma, pagsayaw, at masayang pagtitipon ang isinagawa ng kababaihan para irehistro ang nagkakaisang tinig nila laban sa korupsiyon, lalo na sa pork barrel system. Nagtipon at nagprograma ang mga grupo ng kababaihan sa Mehan Garden noong Biyernes, Setyembre 12. Pinangunahan ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala), Gabriela, Gabriela Women’s Oarty at One Billion Rising […]

Mga obrero sa Estado, galit sa ‘diktadurang dilaw’ ni Aquino

Bitbit ang kulay na pula at itim, tinungo ng mga kawani ng gobyerno ang paanan ng Malakanyang sa Mendiola para muling irehistro ang anila’y nabubuong “diktadura ni Pangulong Aquino.” Sa naturang pagkilos, inihayag nila ang disgusto sa pagkaltas sa kanilang mga benepisyo, dagdag-buwis at tanggalan sa mga ahensiya ng gobyerno—kasabay ng pagkontrol umano ni Aquino […]

MGA LARAWAN | LFS, nagrali sa embahada ng US bilang paggunita sa ika-37 anibersaryo nito

Sumugod sa embahada ng Estados Unidos (US) ang kabataan sa ilalim ng League of Filipino Students (LFS) bilang protesta sa patuloy na pagiging sunud-sunuran umano ng administrasyong Aquino sa dikta ng gobyerno ng US. Ginunita rin ng grupo ang ika-37 taong anibersaryo ng LFS, na kilala bilang “anti-imperyalistang organisasyon” ng kabataang estudyante sa bansa na […]

Military used civilians as shield in Abra encounter, rights group says

A human rights group in the Cordillera region denounced the military for allegedly using civilians in a spate of encounters in Abra province against the New People’s Army (NPA). The group, in a statement, said that 24 civilians in Lacub, Abra were coerced and used as human shield by the 41st Infantry Battalion of the Philippine Army on September 5. […]

‘Mga kongresistang nagbasura sa impeachment ni Aquino, tumanggap ng pondo mula DAP’

Marami sa mga kongresistang kaalyado ng Palasyo na bumoto pabor sa pagbasura sa impeachment complaint ay nagbenepisyo sa mismong Disbursement Acceleration Program (DAP). Ito ang isiniwalat ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan),  isang araw matapos ideklarang “insufficient in substance” ng House Committee on Justice ang dalawang reklamong impeachment laban sa […]

Palparan bantay-sarado ng gobyerno sa pagdinig sa korte

Sa loob at labas ng korte, bantay sarado si dating Hen. Jovito Palparan ng armadong mga puwersa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation at  Special Weapons And Tactics habang isinasagawa ang pre-trial hearing sa kaso nito sa Malolos Regional Trial Court (RTC).  Ikinagalit ng mga kaanak ang anila’y labis […]

Mabilis na paglitis kay Palparan, panawagan ng kaanak ng desaparecidos

Kasabay ng paggunita sa International Day of the Disappeared, nanawagan ang grupong Desaparecidos para sa mabilis na paglilitis at paghatol kay dating heneral Jovito Palparan. Sa isang pagtitipon sa Unibersidad ng Pilipinas kaninang umaga, sinabi ni Lorena Santos, pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos, na sapat ang ebidensiya na nagtuturo ky Palparan bilang ‘utak’ sa pagdukot sa […]