Balita

‘Senado, kumilos na sa panukalang dagdag-sahod’

Hinikayat ng grupo ng mga manggagawa at mamamayan ang Senado na harapin ang panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod at iba pang usaping “may kabuluhan sa mga mamamayan” ngayong tapos na ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM), sa loob kasi ng apat na buwan, tila tanging impeachment […]

Planong pagpasok ng ‘higit na maraming’ US warships, binatikos

Binatikos ng militanteng mga grupo ang administrasyong Aquino para sa paghayag na inaasahang darating sa bansa ang “higit na maraming” barkong pandigma ng US. Gayundin, umalma sila sa umano’y “sinikreto” na pagbisita sa bansa ng pinakamataas na opisyal ng militar ng Estados Unidos. Inihayag ng Department of Foreign Affairs na magiging mas madalas ang port […]

Dahil sa ilegal na pagpiit sa kampo militar: Detenidong NDF konsultant, nag-hunger strike

Nagsimula kahapon ang walang-taning na hunger strike ni Ramon Patriarca, isang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kasalukuyang nakabilanggo sa Camp Lapu-Lapu sa Cebu City, ang himpilan ng AFP Central Command (Centcom) na nakasasaklaw sa buong Kabisayaan. “Hindi ako dapat ikulong sa Camp Lapu-Lapu… Dito ako dinala ng militar nang damputin […]

Lider maralita sa Malabon pinaslang

Pinaslang ng dalawang hindi pa nakikilang salarin si Ernesto Gulfo, 52 taong gulang na taga-Catmon, Malabon noong Mayo 30.  Ayon sa grupong Anakbayan, nagpanggap umanong magbebenta ng tanso ang dalawang salarin kay Gulfo na aktong kakain ng kanyang almusal. Binaril ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang dibdib at hindi na […]

Pagkatapos ng impeachment: Iba’t ibang grupo nanawagan ng paghatol kay Gloria, pamamahagi ng Luisita sa magsasaka

Tapos na ang impeachment trial laban kay Chief Justice Corona, ngunit para sa mga militanteng grupo dapat na isunod agad ang paglitis paghatol at pagkulong kay GMA dahil siya naman daw ang puno't-dulo ng isinagawang paglilitis. Hindi na rin daw dapat magpalusot si Pangulong Aquino, upang umiwas sa pagtugon sa hinaing ng mamamayan para sa kagyat na ginhawa mula sa kahirapan.

Korporatisasyon ng 26 pampublikong ospital, tinututulan ng Gabriela

Mariing inirehistro ng Gabriela Women’s Party (GWP) ang pagtutol sa pagsasapribado o korporatisasyon ng 26 na pampublikong ospital, isang hakbang ng administrasyong Aquino na umano’y lalong ipagkakait ang serbisyong pangkalusugan sa kababaihan. Sa ika-5 Pambansang Kumbensiyon ng Gabriela, isang pambansang kampanya para sa kalusugan ng kababaihan ang isinulong ng grupo, na pinamagatang “Fight for Women’s […]

Tunay na pagpapanagot, di nagtatapos kay Corona

Bagamat natuwa ang mga progresibong grupo sa paghatol ng maysala kay Chief Justice Renato Corona sa paglabag sa Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko, naniniwala ang mga ito na mahaba pa ang lalakbayin kung “tunay na pagpapanagot” ang pag-uusapan. “Hindi ito nagtatapos kay Corona. Malalaman natin kung ang katapusan ng prosesong ito ay magbibigay-daan […]

Alyansa vs pribatisasyon ng sebisyo sa tubig lumalawak

Nagkaisa ang iba’t ibang water districts sa buong bansa laban sa ikinakasang pagsasapribado sa serbisyo ng tubig batay sa Senate Bill 2997 o Water Sector Reform Act of 2012 na panukalang batas ni Sen. Edgardo Angara

‘Impeachment ni Corona, ginagamit para itago kawalang-tugon ni PNoy sa mga isyung bayan’

Nag-ingay ang militanteng mga grupo sa Welcome Rotonda at Quezon City Memorial Circle ngayon, Mayo 25, para kondenahin ang administrasyong Aquino sa paggamit sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona para linlangin ang publiko sa di-pagtugon sa batayang mga isyu ng mga mamamayan. Bukod dito, ayon sa sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo […]

Dahil sa pribatisasyon: Pasyente, kawani sa mental hospital walang tiyak na lilipatan

“Saan kami pupunta at ang mga pasyente?” Ito ang nangangalit na tanong ni Romy Valenzuela, tagapangulo ng National Center for Mental Health Employees’ Association – Alliance of Health Workers (Nacemhea -AHW), sa nakaambang pagbebenta ng Welfareville kabilang ang National Center for Mental Health ngayong Hulyo. Nakatakdang sumailalim sa bidding ngayong Hulyo ang Welfareville at NCMH […]