Balita

Sa pulong ng Asian Development Bank: Kahirapan, di maaaring ikubli – Bayan

“Hindi maitatago ang kahirapan ng matataas na pader ng gobyerno ng Pilipinas.” Ito ang reaksiyon ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), sa pagtayo ng matataas na mga pader at pangharang sa mga maralitang komunidad sa malalaking kalsada sa Kamaynilaan na dinaraanan ng 4,000 delegado ng ika-45 taunang pulong ng Asian […]

Health worker sa Zamboanga del Norte, inaresto at kinasuhan ng ‘gawa-gawang’ kaso

Inaresto at sinampahan ng kasong murder ang isang health worker at lider-kababaihan sa Zamboanga del Norte. Ayon sa Barug Katungod Mindanao, organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao sa lugar, inaresto ang biktimang si Helen Igloria sa kanyang tahanan ng pinagsanib na elemento ng kapulisan intelligence units ng militar noong Abril 25. Sa pahayag ng grupo, tumatayong […]

Residente sa Silverio compound na nasawi sa madugong demolisyon, binigyang pugay

Suot-suot ang mga puting t-shirt na may tatak na “Hustisya para kay Arnel Leonor at sa lahat ng biktima ng karahasan at demolisyon sa Silverio Compound”, nakiisa ang mga residente ng Silverio Compound, Paranaque sa karaban na naghatid kay Arnel Leonor sa kanyang huling hantungan. Nasawi si Arnel “Nonoy” Leonor, 19-anyos, sa gitna ng brutal […]

Libu-libong obrero magpoprotesta sa Mayo Uno

Pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang aabot sa 30,000 manggagawang lalahok sa pagdiriwang at protesta sa Pandagidigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno sa Metro Manila at aabot sa 100,000 naman sa ibang panig ng buong bansa

Pagtaas ng matrikula ng 222 paaralan, kinondena ng Kabataan

Sinugod ng militanteng kabataan ang pambansang tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Diliman, Quezon City upang kondenahin ang anila’y muling pagkiling ng komisyon sa mga edukador-kapitalista kesa sa interes ng mga kabataan. Nagprotesta ang kabataan, sa pangunguna ng Kabataan Party-list, matapos aprubahan ng CHED ang mahigit 220 eskwelahan upang magtaas ng matrikula. Sa […]

Regional Wage Board inisyuhan ng ‘closure order’ ng mga manggagawa

Nagmartsa patungo sa opisina ng Metro Manila Wage Board ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para simbolikong magpaskil ng notice of closure sa ahensiyang diumano’y instrumento lamang nga mga malalaking kapitalista sa pambabarat sa sahod ng mga manggagawa. Kinondena din ng grupo ang pagtutol ng ahensiya na kilalanin ang magkakasunod na […]