Balita

Suspek sa pagdukot kay Jonas Burgos, patuloy ang pagtanggi

Mariin pa ring itinatanggi ni Maj. Harry Baliaga ang paratang na isa siya sa mga tauhan ng militar na dumukot  kay Jonas Burgos noong Abril 2007. Sinabi niya ito sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Court of Appeals  (CA) sa kasong pagdukot sa aktibistang anak ng bayani sa malayang pamamahayag na Joe Burgos kamakailan. Isinalang sa […]

Mga obrero ng malaking hardware, muling nagwelga

Muling itinirik ng mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware ang kanilang welga noong Mayo 23, dalawang linggo matapos maipagwagi ang naunang dalawang araw na welga. Inakusahan ng Co Ban Kiat Workers Union ang manedsment ng paglabag sa kanilang kasunduan na maibalik ang tinanggal na mga manggagawa, iregularisa ang mga kontraktuwal at kilalanin ang kanilang […]

Mga grupong maka-kalikasan, katutubo nagprotesta vs pamamaslang sa kanilang hanay

Nagprotesta ang mga grupong maka-kalikasan at katutubo sa harap ng Kampo Aguinaldo sa Quezon City para ihayag ang pagkondena sa ekstra-hudisyal na mga pamamaslang sa mga aktibistang maka-kalikasan. Pinangunahan ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP), Karapatan at Katribu Party-List, inilunsad ng mga grupo ang protesta matapos ang pamamaslang kina Frederick Trangia at […]

Pagkakapaslang sa makakalikasan kinondena

Mariing kinondena ng mga aktibistang makakalikasan ang pinakahuling pagpaslang sa kanilang hanay noong Mayo 6 sa lalawigan ng Compostela Valley. Ayon sa Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE), pinaslang ng di nakilalang mga lalaki si Frederick Trangia, 60 taong gulang at lider komunidad sa Brgy. Mainit, Nabunturan, Compostela Valley noong Mayo 6. Si Trangia […]

Aktibistang tutol sa dam, pinaslang sa Bukidnon

Isa na namang tagapagtaguyod ng kalikasan ang pinaslang ng di pa nakikilalang salarin noong Mayo 9, sa Brgy. Palma Kibawe, Bukidnon. Ang biktima, si Margarito Cabal, ay aktibong lider ng Task Force Save Pulangi (TFSP) na tumututol sa pagtatayo ng isang hydroelectric dam sa ilog ng Pulangi na banta umano sa kapaligiran at maaaring magtaboy […]

Hustisya, sigaw para sa mga biktima ng sunog sa Butuan

Nagsindi ng kandila ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para makiramay sa pamilya ng di-bababa sa 17 manggagawang biktima ng sunog sa isang department store sa Butuan City, Agusan del Sur. Hiniling din ng KMU na agarang imbestigahan ang pagkakasunog sa naturang lugar upang mabigyan ng katarungan ang mga namatay at […]

Mga obrero ng malaking hardware nagwelga

Nagwelga ang mga manggagawa sa warehouse ng Co Ban Kiat Hardware, Inc. sa Tambo, Paranaque upang igiit na maibalik ang 103 regular at kontraktuwal na mga manggagawang diumano’y ilegal na tinanggal ng manedsment. Ang Co Ban Kiat Hardware ay supplier ng maraming mga hardware sa buong bansa at pinakamalaking supplier ng Ace Hardware. Ayon sa […]