Balita

Larawan: Anibersaryo ng NDF ipinagdiwang sa iglap-rali

Sa isang lightning rally sa Ylaya at Recto Avenue sa Divisoria, Manila, ipinagdiwang ng Makabayang Kawaning Pilipino, rebolusyonaryong organisasyon ng mga kawani, ang ika-39 anibersaryo ng National Democratic Front

Ipamahagi na ang lupa sa Hacienda Luisita – Korte Suprema

Kinatigan ng Korte Suprema ang nauna na nitong desisyon noong Nobyembre 2011 na ipamahagi ang lupa sa Hacienda Luisita, Tarlac. “Nandito na ang tagumpay para sa libu-libong magsasaka…pero noon pa dapat itong total land distribution,” ani Lito Bais ng United Luisita Workers Union (ULWU). Ang desisyon ng Korte Suprema ay malaking legal na tagumpay para […]

Madudugong demolisyon sa Paranaque, iba pang lugar kinondena

Kinalampag ng kabataan ang National Housing Authority (NHA) matapos ang marahas na demolisyon sa Silverio Compound, Paranaque noong Abril 23. May isang namatay, samantalang 33 ang nakulong at 36 naman ang sugatan sa naganap na insidente, ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay). Kahapon natapos ang 10-day eviction notice na ibinigay ng lokal na pamahalaan […]

Dokumento: SMDC ni Henry Sy, ‘partner’ ng lokal na gobyerno sa ‘development’ ng Silverio Compound

Sa kabila ng pagtanggi ng SM Development Corporation (SMDC) na may kinalaman sila sa planong development (i.e. pagpapatayo ng condominiums) sa Silverio Compound sa Sucat, Paranaque City, naglabas ang mga residente at tagasuporta nila ng isang photocopy ng dokumento ng lokal na pamahalaan ng Paranaque City. Ito umano ang magpapatunay na partner ng lokal na pamahalaan ng Paranaque at National Housing Authority ang SMDC sa pinaplanong diumano'y development sa lugar

Utos ng pag-aresto kay Palparan ipinagtibay ng korte

Ipinagtibay ng Malolos Regional Trial Court ang warrant of arrest laban sa nagtatagong si Heneral Jovito Palparan na tinuturong salarin sa pagdukot sa dalawang nawawalang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno. Binasahan na rin ng kaso (arraigment) ang dalawa sa mga akusadong sina Lt. Col. Felipe Anotado at Sgt. […]

Pag-antala ng wage board sa dagdag-sahod binatikos ng KMU

“Ang ahensiya (wage board) ang pinakahuling nakaalam na dapat dagdagan ang sahod ng mga manggagawa.” Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), matapos ihayag ng National Capital Region Wage Board sa midya na kinikilala raw nila ang pangangailangang madagdagan ang sahod ng minimum wage earners. Sinabi ng tagapangulo ng Regional Tripartite Wages and Productivity […]

Pinoy sa ibang bansa, tutol din sa Balikatan

Kaliwa’t kanang protesta laban sa kasalukuyang Balikatan Exercises ang idinaos ng mga Pilipinong naninirahan o nagtatrabaho sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, Netherlands, Hong Kong, Australia, at Canada. Sa New York, nasorpresa ang mga opisyal ng Philippine Consulate nang magsagawa ng lightning rally sa lobby ng konsulado ang mga kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan- […]