Balita

Limang kabataang kontra-Balikatan hinuli, hinaras sa Angeles City

Limang kabataang aktibista ang hinuli ng pulisya nitong Sabado sa Angeles City, Pampanga dakong alas-diyes ng gabi habang nagpapaskil ng poster na kumokondena sa Balikatan Exercises 2012 (BK12) na inaasahang maglalapag ng libu-libong sundalong Amerikano sa bansa simula Abril 16. Ayon sa mga ulat, hinuli at pinagsasapak ang lima. Sakay ng police patrol vehicle dinala […]

(UPDATED) Lider-magsasaka sa Laguna dinukot ng militar, nakadetine sa Quezon

Natagpuang nakakulong sa Quezon Provincial Police Office ang lider-magsasaka sa Laguna na si Alex Arias, apat na araw matapos mawala at dinukot ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), ginamit ng pulis ang parehong warrant of arrest na ginamit  sa paghuli […]

Pagpigil sa pagputol ng mga puno sa Baguio, ikinatuwa ng makakalikasan

Nagpahayag ng kasiyahan ang Kalikasan Partylist sa paglabas ng isang Temporary Environmental Protection Order (TEPO) ng Baguio Regional Trial Court laban sa pagputol ng SM Baguio sa halos 200 puno sa Luneta Hill. Inilabas ng korte ang kautusan noong umaga ng Abril 10 na nagpahinto sa walang habas na pagputol ng puno na nagsimula noong […]

Larawan: Polyetong ‘Wanted: Palparan’ pinakakalat ngayong Mahal na Araw

"Wanted: Palparan" poster na ipinaskil ng mga grupong tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa mga sakayan ng bus sa Cubao papunta sa mga probinsiya. Si dating Hen. Jovito Palparan ay notoryus na opisyal ng militar na nagpatupad ng madugong mga atake laban sa mga aktibista sa iba't ibang probinsiya ng bansa. Naglabas noong Nobyembre ng mandamyento de aresto ang korte sa Bulacan sa kaso ng pagdukot sa dalawang kabataang aktibista na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. (Macky Macaspac)

Pangulo ng unyon sa HSBC sinibak dahil sa outsourcing?

Tuluyang tinanggal ng manedsment ng Hongkong Shanghai Banking Corporation (HSBC) ang tagapangulo ng unyon sa bangkong ito na Hongkong Bank Independent Labor Union (HBILU), matapos ilagay sa 30 araw na preventive suspension.

‘Krus na pasanin ng maralitang Pilipino, lalong bumibigat’

Pasan ang krus na simbolo ng kahirapan sa balikat ni Juan Dela Cruz. Mga kidlat na animo’y latigo. Paghambalos na sumisimbolo sa mga kartel ng langis, kasabwat sa pagpapahirap ang mga tauhan ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III bilang Pontio Pilato at si Uncle Sam (gobyernong US), gamit ang programa nitong Public-Private-Partnership Program sa kanilang bersyon ng senakulo sa paggunita ng Mahal na Araw.

Larawan at bidyo: Rebolusyonaryong obrero nagdiwang sa anibersaryo ng NPA

Ipinagbunyi ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Union (RCTU), isang underground organization na kasapi ng National Democratic Front, ang ika-43 anibersaryo ng New People's Army. Nagmartsa ang mga ito sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City. Ang NPA at NDF, sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines, ay naglulunsad ng armadong pakikibaka mula 1969 para pabagsakin ang kasalukuyang pampulitika at pang-ekonomiyang sistema sa bansa.