Balita

Giyerang agresyon ng US, tinutulan ng mga OFW

Sa ika-17 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Flor Contemplacion, nanawagan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na itigil ang mga giyera ng agresyon ng Estados Unidos, lalo na sa Gitnang Silangan kung saan matatagpuan ang libu-libong migranteng Pilipino. Noong Marso 17, nagtungo sa Mendiola ang grupong Migrante International, kasama ang kababaihang OFW na nanggaling sa […]

Mga mambabatas: Gobyernong Aquino, may magagawa para pigilan ang OPH

Naniniwala ang mga mambabatas na may magagawa ang gobyernong Aquino para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Sa People’s-Legislators Forum on Oil Price Hike (OPH) na ginanap sa House of Representatives kanina, sinuportahan ng ilang mambabatas ang pagtanggal sa Expanded Value-Added Tax (E-VAT) sa mga produktong petrolyo, isang hakbang na tinatanggihang gawin […]

Hacienda Luisita, ‘laboratoryo’ ng Oplan Bayanihan?

Pinaigting ng mga grupong magsasaka ang kanilang panawagan para sa pull-out ng mga puwersang militar sa Hacienda Luisita matapos ang isang fact-finding mission na nagkukumpirma sa matinding militarisasyon sa asyenda ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III. Inamin mismo ni Maj. Enrico Gil Lleto, tagapagsalita ng 7th Infantry Division, na ipinapatupad sa Hacienda Luisita ang Oplan […]

Nanalong tagapangulo ng student council sa UPLB, di pa rin naipoproklama

Mahigit isang linggo makaraan ang halalan ng konseho ng mag-aaral sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), hindi pa rin ipinoproklama ng Central Electoral Board (CEB) ang nanalong tagapangulo ng student council dahil sa umano’y di-pagbayad ng kanyang matrikula sa takdang panahon. Ayon sa partidong Sakbayan, maanomalya ang di pagproklama sa nanalong kandidato na si Ynik Ante […]

Bidyo: Pagtaas ng pamasahe, tinutulan ng kababaihan

Tinutulan ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang pagtaas ng pamasahe sa pagdinig ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ngayong Marso 8, Araw ng Kababaihan. Dininig ng LTFRB ang petisyong P0.50 fare hike na inihain ng mga grupong pangtransportasyon. Ayon sa grupo, mas makakabenepisyo kapwa sa mga tsuper at komyuter ang pagbasura sa Oil […]