Balita

Obrerong kontraktuwal ng PUP nagwelga

Nagwelga ang mahigit 100 manggagawa ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa hindi pagkilala ng administrasyon ng pamantasan sa kasunduang muling kunin ang silang mga dyanitor sa pagpasok ng bagong ahensiya.

Pagbisita ni Deputy US Trade Rep. Marantis, para sa bagong merkado, pamumuhunan

Bagong merkado at pamumuhunan ang pangunahing dahilan kung bakit nasa bansa ngayon si Deputy US Trade Representative Demetrios Marantis, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Sa pahayag ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng grupo, bumisita sa bansa si Marantis sa gitna ng panibagong pagtulak ng US na konsolidahin, palalimin at palawakin ang papel at […]

Paint bombs, inihagis sa opisina ng Shell bilang protesta sa OPH

Nagpakawala ng paint bombs sa opisina ng Shell Philippines, isa sa Big 3 na kompanya ng langis, ang militanteng mga grupo bilang protesta sa panibagong pagtaas sa presyo ng langis ngayong linggo. Sinisisi rin nila ang gobyernong Aquino na umano’y “nakikipagsabwatan” sa lokal at dayuhang kartel ng langis at hindi gumagawa ng anumang hakbang para […]

‘Mga fraternity, maglinkod sa bayan, pawiin ang hazing’

Nanawagan ang militanteng grupo ng kabataan na Anakbayan sa lahat ng organisasyon ng mga mag-aaral, asosasyon, at higit sa lahat sa mga fraternity, na itigil ang paggamit ng brutal, bayolente at nakamamatay na hazing. Ito ang nais ipaabot ng grupo sa kanilang pahayag hindi lamang sa komunidad ng San Beda College, kundi sa lahat ng […]