Walang habas na pagtaas ng presyo ng langis.
Ito ang dulot ng Republic Act 8479, o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998, o mas kilala bilang Oil Deregulation Law (ODL), 14 na taon matapos ito isabatas, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).
Kinalampag ng mga kawaning pangkalusugan, kasama ang kanilang mga pasyente at kaanak, ang tanggapan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Pasig City sa nakaambang pagtaas ng premium na aabot sa 100 hanggang 160%. “Kung ang PhilHealth ay talagang para sa kapakanan ng mga mamamayan, dapat magpokus ito higit sa pagpapabuti at pagpapalawak ng sebisyo […]
Nagtipon muli ang mga artista, akademiko, kapwa aktibista at kaibigan ni Ericson Acosta sa Palma Hall sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City para isagawa ang isang "haranang bayan" kaalinsabay ng isang taong pagkakakulong ni Acosta sa Calbayog, Samar.
Kinondena ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang diumano’y ilegal na pag-aresto ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar sa dalawang lider-maralita sa Timog Katagalugan. Ang dalawang inaresto na sina Evelyn Legaspi at Pastora Latagan ay lehitimong mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at hindi mga miyembro ng New People’s Army tulad […]
Nagprotesta sa harapan ng embahada ng US ang kababaihan ng Gabriela at International Women’s Alliance (IWA) upang ipaabot ang pagtutol sa planong pagdagdag ng tropang Amerikano sa bansa sa ilalim ng RP-US Mutual Defense Treaty.
Tinawag na “baligtad na Robin Hood” ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang plano ng Social Security System (SSS) na dagdagan ang singil o kontribusyon ng mga miyembro nito, at gamitin sa mga “alanganing proyekto” sa ilalim ng Private Public Partnership (PPP) ng gobyerno. Maglulunsad din ng mga protesta sa mga susunod na linggo ang grupo […]
Sa Mendiola, Manila, nagdala naman ng malaking kahon na "regalo" ang mga maralita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, Bayan Muna, Anakpawis, Bagong Alyansang Makabayan - National Capitol Region, at iba pa. Binatikos nila ang programang Public-Private Partnerships o PPP na anila'y nagdudulot ng demolisyon sa mga maralitang lungsod. Sinunog ng mga maralita ang naturang "regalo" bilang protesta sa administrasyong Aquino. (KR Guda)
Sumuporta ang iba’t ibang sektor sa komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas sa isang estudyante na dinahas at pinagnakawan noong Pebrero 1 sa tanggapan ng University Student Council (USC).
Isang milyong pirma ang target na malikom ng militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela sa kanilang petisyon kontra sa pagtaas ng presyo ng batayang mga produkto, kabilang ang langis.
Inatasan ng hukom sa kaso laban kay retiradong Hen. Jovito Palparan Jr., at iba pang militar, ang magkabilang panig na kasama sa korteng inspeksiyunin ang Army Custodial Management Unit sa Fort Bonifacio at PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Ito’y para mapag-alaman ang tunay na lagay sa naturang detention centers ng mga kapwa akusado ni Palparan na sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at Staff Sgt. Edgardo Osorio, ayon kay Judge Teodoro Gonzales ng Malolos Regional Trial Court, Branch 14, sa ikatlong pagdinig sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang aktibistang estudyante noong 2006 na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.