Balita

Makasaysayang paglaban ng mga Pinoy sa tropang Kano, ginunita sa protesta

Ginunita ng militanteng mga organisasyon sa pamamagitan ng protesta ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at mananakop na armadong puwersa ng US. At ginanap ito sa mismong harap ng embahada ng US sa Roxas Boulevard sa Manila, sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon.

‘AFP, dapat utusan ni PNoy na arestuhin si Palparan’

Kailangang hayagang utusan ni Pang. Benigno Aquino III ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na arestuhin at huwag kalnugin ang nagtatagong suspek sa mga paglabag sa karapatang pantao na si retiradong Hen. Jovito Palparan Jr.

First Quarter Storm ginunita ng mga beterano, kabataang aktibista

Maria Lorena Barros, Emmanuel Lacaba, Rizalina Ilagan, Edgar Jopson, Remberto De La Paz, Juan Escandor, Santiago Arce, Liliosa Hilao, Abraham Sarmiento Jr. Ilan lamang sila sa mga pinili ang daan ng paglaban para sa bayan noong panahon ng diktadurang Marcos. Ilan din sila sa maraming kabataang naging kalahok sa isang makasaysayang yugto ng pag-aalsa at radikal na pakikilahok sa pagbabago ng lipunang Pilipino, na tinaguriang First Quarter Storm (FQS) a Sigwa ng Unang Kuwarto noong 1970.

Kababaihan, tutol sa dagdag na tropang Kano

Dalawang babaing kongresista ang mahigpit na tumutol sa pinaigting na presensiya ng mga tropang Amerikano sa bansa na inaalok ng administrasyong Aquino sa gobyerno ng Estados Unidos. Anila, labag ito sa soberanya ng bansa at magdudulot ng ibayong kapahamakan sa kababaihan.

Isang taon matapos ang trahedya: Hustisya, hangad ng kaanak ng mga biktima sa Eton

Nagmartsa patungo sa lugar ng aksidente sa Makati City ang mga kaanak at tagasuporta ng mga biktima ng aksidente sa konstruksiyon ng Eton Residences noong Enero 27. Ginunita nila ang ang aksidente na ikinamatay ng 11 manggagawa matapos bumigay at bumulusok ang gondolang kanilang sinasakyan. Ipinanawagan nila ang hustisya at hiniling na managot ang manedsment […]

Kawani sa kalusugan, umalma sa pagkaltas sa benepisyo

“Kulang na nga, binawasan pa!” Ito ang sigaw ni Jossel Ebesate, pambansang tagapangulo ng Alliance of Health Workers at punong nars sa Philippine General Hospital, kasama ang iba pang kawani sa kalusugan na nagrali sa gitna ng init ng tanghali, para tutulan ang pagkaltas sa kanilang benepisyo sa harap ng Philippine Heart Center (PHC).