Balita

7 magsasakang dumedepensa sa lupa, inaresto sa Pangasinan

Pitong lider-magsasaka ang inaresto matapos nila tangkaing pigilan ang pagbabakod ng pulisya sa kanilang lupain sa Camp Gregg Military Reservation, Bayambang, Pangasinan. Ayon sa ulat ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Pangasinan, noong nakaraang linggo pa pinipigilan ng mga magsasaka ang pagtatayo ng kongkretong mga bakod. Iniutos umano ang pagbabakod ni Pangasinan […]

Pag-aari ni Corona, ibigay na lamang sa mga residente ng Corazon de Jesus – Rep. Casiño

“Bulgar at nakakalulang pagpapakita ng kayamanan at kapangyarihan.” Ito ang paglalarawan ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño sa mga diumano’y ill-gotten na mga pag-aari ni Chief Justice Renato Corona. Ngunit sinundan niya ito ng napapanahong mungkahi: Ibigay ang mga ito sa mga residente ng Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City na marahas na […]

Migrante, nadismaya sa pagsibak sa ‘sinserong’ administrador ng POEA

Dismayado ang Migrante International sa Middle East sa pagkakasibak sa puwesto kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Carlos Cao Jr. Sinabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, na ipinagtataka nila kung bakit tinanggal ng administrasyong Aquino sa kanyang tungkulin sa pagsisimula ng taon si Cao. Itinuturing umano ng Migrante si Cao […]

Corona, hinamon na manatiling pabor sa magsasaka ng Luisita

Sa gitna ng nalalapit na impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, hinamon ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang punong hukom na panindigan ang utos ng Korte Suprema na ipamahagi na ang asyenda ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Ayon sa Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) at Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), kinokonsulta […]

‘Palparan, sumuko ka na’

Inatasan ni Judge Teodora Gonzales ng Malolos Regional Trial Court si dating heneral Jovito Palparan na sumuko muna, bago aksyunan ang inihaing mosyon ng kanyang mga abogado na iatras ang warrant of arrest at hold departure order laban sa dating heneral na kinasuhan ng kidnapping at serious illegal detention. “He has to surrender. The motion […]

Wanted: Gen. Jovito Palparan

Nanawagan sa publiko ang mga grupong pangkarapatang pantao na kung may nakakaalam sa kinaroroonan ngayon ni retiradong Hen. Jovito Palparan Jr. ay agarang iulat sa kanila ito o sa Department of Justice. Sinabi nina Concepcion Empeno at Erlinda Cadapan, mga ina ng nawawalang mga estudyante ng UP na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, na […]

Panawagan para sa tulong sa mga mamamayan ng Hilagang Mindanao

Libu-libo ang kagyat na nangangailangan ng tulong matapos ang malupit na bagyong Sendong na rumagasa sa Hilagang Mindanao nang walang senyales at preparasyon sa bahagi ng gobyerno. Tumatangis ang pamilya ng di-bababa sa mahigit 600 kataong nasawi, at naghahanap naman sa mga mahal nila sa buhay ang kaanak ng mahigit 900 kataong nawawala. Panahon na para tumulong tayo.