Balita

DSWD, nag-iimbak ng relief goods para magamit ng administrasyon sa eleksiyon?

Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na ipamahagi sa mga mamamayang nasalanta ng bagyo ang relief goods na nasa kamay ng departamento. Ito ay matapos ibulgar ni Ella Rose delos Santos sa kanyang blog ang mga litrato na nagpapakitang nakatengga sa isang warehouse ng DSWD ang relief goods […]

Balita: Magsasakang nasalanta, nanawagan ng solusyon sa krisis sa kanayunan

Nagmartsa ang daan-daang magsasaka mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan na apektado ng bagyong Ondoy at Pepeng para igiit sa Malakanyang ang isang 10-puntong programa na umano’y maglulutas sa matagal nang problema sa kanayunan. Mula sa isang camp-out sa opisina ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City, natungo sa Mendiola Bridge sa Maynila ang […]

Panukalang dagdag-pasahe binatikos

Tinuligsa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panukala ng Alliance of Concerned Transport Organizations o Acto na 50-sentimong pansamantalang dagdag-pasahe at P1 dagdag-pasahe sa gitna ng muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. “Magiging negatibo ang epekto ng dagdag-pasahe ngayon sa mga manggagawa at mga mananakay sa pangkalahatan…Insensitibo ito sa lagay ng mga manggagawa at […]

Video: Bakwit sa Laguna hinakot ni Arroyo sa relief mission, hindi nabigyan ng relief goods

Nananatiling lubog sa tubig ang 30 munisipalidad na nakapalibot sa Laguna Lake. Wasak ang mga tahanan at hindi makapangisda dahil sa lalim ng dagat, umaasa lamang sa rasyon ng pagkain mula sa iba’t ibang organisasyong nagkokondukta ng relief missions ang mga residente. Noong Oktubre 14, nakarating sa Brgy. Balanga, Pila, Laguna, ang Bagong Alyansang Makabayan, at […]

PAANO KA MAKAKATULONG

(Ang bidyo sa itaas ay ipinalaganap sa Facebook na kuha ni Charlynne Ilagan sa Balili, La Trinidad, Benguet.) URGENT APPEAL FOR SUPPORT FOR THE VICTIMS OF TYPHOON PEPENG IN THE CORDILLERA, PHILIPPINES BAGUIO CITY—The Cordillera Region in Northern Luzon, homeland of indigenous peoples collectively known as Igorots, is one of the areas hit most with […]

Pagtanggal kay Sison sa listahan ng terorista, pinapurihan

Nagwakas ang “pitong taon ng kawalang hustisya” laban kay Prop. Jose Maria Sison nang tanggalin ang pangalan nito sa listahan ng mga tinatagurian ng European Union (EU) na  “terorista.” Ito ang pahayag ni Luis Jalandoni, tagapangulo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) negotiating panel, hinggil sa desisyon ng European Court of First Instance […]

Maralitang lungsod, nanawagan ng tulong

Nanawagan ng tulong ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) para sa mga pamilya sa mga maralitang komunidad na apektado ng bagyong Ondoy. Ayon sa Kadamay, nangangailangan ng kagyat na tulong ang sumusunod na mga erya: San Mateo, Montalban, Rizal (2,500 pamilya); Kasiglahan Village, Montalban, Rizal (3,000 pamilya);  Lupang Pangako, Payatas, Quezon City (2,000 pamilya); […]