Balita

Utos ng DOLE na ‘lisensiya ng kontraktuwalisasyon,’ binatikos

Nagprotesta ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng tanggapan ng Department of Labor and Employmnent (DOLE) para gunitain ang ika-10 taon ng pagpapatupad ng isang DOLE order na anila’y naging “lisensiya ng kontraktuwalisasyon.”

Magsasaka ng Hacienda Luisita, hinaras, pinaputukan

Kinondena ng mga grupong magsasaka ang pagpapaputok ng mga guwardiya ng Hacienda Luisita, pulisya, at militar sa mga magsasaka sa asyendang pag-aari ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III. Kahapon, binakuran ng 100 guwardiya, 15 miyembro ng Tarlac Provincial Police, at 10 miyembro ng Philippine Army ang binubungkal na lupain ng mga magsasaka sa Brgy. […]

‘Espesyal’ na pagtrato kay GMA kinondena

Sinugod ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at iba pang militanteng organisasyon ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City upang igiit na ilipat si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ordinaryong kulungan.

Tigil-pasada, protestang bayan panawagan ng mga maralita vs tuluy-tuloy na OPH

Isang tigil-pasada at “protestang bayan” ang ipinanawagan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kontra sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ayon sa mga maralitang lungsod, sila umano ang pangunahing tinatamaan sa bawat sentimong pagtaas ng presyo ng langis. Kaya, nanawagan ng Kadamay na muling ulitin ng mga tsuper at iba pang sektor ang matagumpay na protesta at tigil-pasada noong Septyembre 19 noong nakaraang taon na nagparalisa ng transportasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Magsasaka ng palay, apektado sa pagtaas ng presyo ng langis

Nagtipun-tipon ang mga magsasaka ng palay mula sa buong bansa para ihiling sa gobyernong Aquino na itaas ang farmgate price ng palay sa P20 dahil sa patuloy na pagtaas ng gastos sa produksiyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. Sa National Rice Farmers’ Conference na ginanap kahapon sa Quezon City, nagkaisa ang mga magsasaka […]

Maralitang lungsod iginiit ang pagsuko ni Palparan

"Doble-kara!" Ito ang paglalarawan sa Malakanyang ng mga maralitang lungsod ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matapos manawagan ang Palasyo na ang nagtatagong dating heneral Jovito Palparan Jr. Anila, kakatwang ipinapanawagan ng administrasyong Aquino ang pagsuko ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) samantalang patuloy pa ring sinusupil nito ang lehitimong mga aktibista tulad ng dalawang lider ng Kadamay na dinukot ng pulis at militar noong Pebrero 7 sa Laguna.