Balita

Patuloy na pagmimina sa Tampakan, tinutulan

Nagsampa ng petisyon sa korte sa Koronadal City sa South Cotabato ang mamamayan ng lalawigan para ipatigil ang pagpapalawig ng pagmimina sa bayan ng Tampakan dahil sa masasamang epekto nito sa kalikasan at taumbayan.

QCU, tutol sa red-tagging

Mariing itinanggi ng pamantasan ang anumang ugnayan ng kanilang aktibidad sa red-tagging at pinanindigan ang pagsusulong sa akademikong kalayaan. Tiniyak din nila na walang maaaring magdikta ng mapanupil na adyenda sa kanilang mga programa.

Dagdag-singil sa NAIA, nagsimula na

Simula nitong Okt. 1, pumalo sa P1,200 ang halaga ng overnight parking sa paliparan para sa mga kotse, apat na beses na mas mataas mula sa dating P300 at lumobo naman sa P480 at P2,400 sa mga motorsiklo at bus.

Sangkot sa hazing sa UST, hinatulang may sala

Hinatulan ng korte sa Maynila na may sala o guilty ang 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa pagkamatay ng University of Santo Tomas law student na si Horacio Castillo III noong 2017 dahil sa hazing.

Bagyong Julian, naminsala sa hilagang Luzon 

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Ilokos, tiyak na inaasahan ang pagkalugi ng mga magsasaka sa papasok na anihan ng palay ngayong buwan ng Oktubre dahil sa danyos na dulot ng Bagyong Julian sa mga pananim.