Magsasaka ng Bagsakan, Lupang Ramos, sinisiil ng estado
Patuloy pa rin ang pananamantala at pandarahas na nararanasan ng mga magbubukid sa kamay ng mga panginoong maylupang nais kamkamin ang kanilang lupang binubungkal.
Patuloy pa rin ang pananamantala at pandarahas na nararanasan ng mga magbubukid sa kamay ng mga panginoong maylupang nais kamkamin ang kanilang lupang binubungkal.
Nakatakdang tumestigo si Christopher Bacoto na sangkot umano sa kasong pagpatay sa batikang brodkaster at komentaristang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, sa paglilitis sa Okt. 21.
Bagaman itinuturing ng mga grupong Tambisan sa Sining at Eyes on Set Network ang halaga ng batas sa mga manggagawa sa telebisyon at pelikula, marami pa anilang bahagi nito ang kailangang suriin at pagbutihin.
Nanawagan ang mga kaanak na pabilisin ang proseso para sa repatriyasyon at magbigay ng tulong sa mga overseas Filipino worker sa Lebanon sa pagkuha ng kanilang exit clearance.
Isang dekada mula nang paslangin ang transwoman na si Jennifer “Ganda” Laude ng Amerikanong sundalong si Joseph Scott Pemberton sa Olongapo City, wala pa ring hustisyang nakakamit sa karumal-dumal na krimen.
Para kina Nanay Narcisa at Nanay Liza, malinaw na ang pinakaepektibong solusyon sa problema ng pagbaha sa kanilang lugar ay ang pagpapatigil sa quarrying at pagsira sa kabundukan ng Sierra Madre.
Ayon sa tagapagsalita ng New People's Army-Masbate na si Luz del Mar, binigo ng NPA ang atake ng 2nd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army noong Set. 15 sa Brgy. Banco, Palanas, Masbate.
Nagsimula ang school-based immunization program na Bakuna Eskwela noong Okt. 7. May kabuuang P853 milyong pondo ang programa upang protektahan ang mga bata sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pagpapabakuna.
Kasama si Fhobie Matias sa pagsasagawa ng mga konsultasyon sa mga magbubukid sa lalawigan nang damputing siya ng mga sundalo. Nakapagpadala pa siya ng mensahe para humingi ng tulong.
Mariing kinondena ng sektor ng kalusugan ang pagkawala ng P7.3 milyong health emergency allowance na para sana sa mga manggagawang pangkalusugan sa Sagay City, Negros Occidental.