Balita

Marcos Jr., bingi pa rin sa panawagan ng mga tsuper

Nasa 36,217 na yunit ang hindi pa nakokonsolida at inaasahang tataas pa dahil sa patong-patong na mga isyu na kinakaharap ng mga tsuper, opereytor at komyuter dala ng kakulangan ng pag-aaral sa programa.

23% na mga Pinoy, walang inaasahan kay Marcos Jr. 

Sa inilabas na resulta ng sarbey ng Social Weather Stations para sa ikalawang kuwarto ng 2024, 23% ng mga respondent ang nagsabing wala silang inaasahan na matutupad sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pilipinong underemployed, dumarami

Ayon sa June 2024 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang unemployment rate ng Pilipinas sa 3.1%, ngunit lumobo sa 12.1% o 6.08 milyon ang mga Pinoy na underemployed.

UP-AFP Declaration of Cooperation, kinondena 

Halos katumbas umano sa pagiging kasabwat ng militar ang pagpasok ng unibersidad sa nasabing kooperasyon sa pagtapak ng militar sa mga karapatang pantao at tumitinding pampolitikang panunupil.

Magtutubo sa Batangas, naigiit ang tulong pinansiyal

Natanggap na ng 2,810 magtutubo mula sa mga bayan ng Tuy, Balayan at Lemery sa Batangas ang tulong pinansiyal na higit isang taon nang ipinaglalaban para sa mga naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro.

Harassment sa manggagawa ng Nexperia, nagpapatuloy

“Ginagawa nila ito upang maghasik ng pananakot at pagkalito sa ating hanay upang itulak tayong itigil ang ating paglaban para proteksyunan ang kanilang tubo,” pahayag ng unyon ng mga manggagawa ng Nexperia.