Istorya ng Linggo

Bantayan ang Halalan: PW Election Coverage

May makabuluhang pagbabago bang magaganap matapos ang halalan? Hindi tayo umaasa. Gayunman, pinahahalagahan natin ang halalan bilang demokratikong ehersisyong nilalahukan ng mga mamamayan — mga mamamayang gustong marinig ang boses, gustong makilahok sa pulitika, gusto ng makabuluhang pagbabago. Tulad ng nakaraang halalan, sasaklawin ng Pinoy Weekly ang iba’t ibang lugar para imonitor ang mga botohan […]

Mayo 1, 2013: Dambuhalang protesta vs ‘kontra-obrerong’ rehimen ni PNoy

Sinabi ni Pangulong Aquino na dapat daw magdiwang ang sektor ng paggawa sa Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, dahil sa “good job” na ginawa ng administrasyon at naturang sektor. Pero ang sagot ng mga manggagawa: mas masidhing protesta at pagkondena. Humigit-kumulang 30,000 katao, mula sa iba’t ibang unyon, pederasyon at organisasyong masa ang lumahok […]

Pagkamatay ni Kristel Tejada, naging sentro ng protesta laban sa kapabayaan ng gobyerno

Isang protestang bayan ang isinagawa kahapon ng iba’t ibang grupo bilang pagtutol sa pagtaas ng singil sa mga serbisyo tulad ng kuryente, tubig, at pamasahe sa tren; pagsasapribado ng mga pampublikong ospital; pagtaas ng presyo ng langis; at pagtaas ng matrikula na nagresulta umano sa pagpapakamatay ni Kristel Tejada, isang estudyante ng University of the […]

Kababaihan laban sa kasakiman

Sa paggunita sa unang malaking protesta kontra sa diktadurang Marcos na pinangunahan ng kababaihan noong Oktubre 28, 1983, muling dumagsa ang libong kababaihan patungong Mendiola. Kinondena nila ang kartel ng langis na kumakamal ng kasakiman ng dambuhalang mga tubo habang lugmok sa hirap at gutom ang bayan.

Sa kamay ng asenderong pangulo

Pangangamkam sa lupaing agrikultural. Kumbersiyon sa lupa. Kawalan ng repormang agraryo. Ngayon naman, pagrepaso sa Saligang Batas. Ito lamang ang ilan sa sunud-sunod na mga atake ng administrasyong Aquino sa karapatan at kapakanan ng mga magsasakang Pilipino.

Pagpanaw ng mukha’t boses ng rebolusyon

Inanunsiyo ng Communist Party of the Philippines ang pagpanaw noong Hunyo 22 ng mukha at tagapagsalita ng rebolusyonaryong kilusan na si Gregorio "Ka Roger" Rosal. Sa Oktubre 15, nakatakdang parangalan ng lahat ng gerilya sa bansa ang yumaong lider, sa pamamagitan ng gun salute.