Pambansang Isyu

US, Obama agresibong nagtutulak ng Cha-cha sa Pilipinas

Pinakahuli lamang ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni US Pres. Barack Obama sa agresibong pagpresyur ng gobyerno ng US sa gobyerno ng Pilipinas na repasuhin ang Saligang Batas ng Pilipinas, o isagawa ang Charter Change (Cha-cha). Maliban sa paglalagda ng kontrobersiyal na Agreement on Enhanced Defense Cooperation na magbibigay-daan sa higit na presensiyang militar ng […]

10 katotohanan hinggil sa ‘pagkakaibigan’ ng gobyerno ng US at Pilipinas

Nasa ikawalong round na ang negosasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng administrasyong Aquino ng Pilipinas at Obama ng US para maplantsa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ng dalawang bansa, sa pagkakasulat nito. Hanggang ngayon, batayang mga prinsipyo lamang nito ang naisasapubliko. Minamadali ng dalawang panig ang kasunduang ito para magpirmahan sa pagdating ni US Pres. […]

‘Limang buwan ng inhustisya’

Nagdaan ang limang buwan, wala pa ring katarungan para sa mga biktima ng bagyong Yolanda dahil sa anila’y “kriminal na kapabayaan” ng administrasyong Aquino. Kaya nitong Abril 8, dinala ng grupong People Surge sa Mendiola, Maynila, sa paanan ng Malakanyang, ang kanilang galit sa “patuloy na pagpapabaya at pang-iinsulto” sa kanila ng administrasyong Aquino na […]

A question of sincerity

Peace negotiations between the Government of the Philippines (GPH) and organizations waging revolutionary struggles once again hit the headlines after military and police elements arrested Benito Tiamzon and Wilma Austria, two senior leaders of the Communist Party of the Philippines (CPP). Days after the arrest, the GPH signed the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) […]

Mga biktima ng Yolanda, nagrali sa mga tanggapan ng ‘Gang of 5’

Bago ang malaking protesta ng mga biktima sa ikalimang buwan matapos ang bagyong Yolanda sa Abril 8, isang linggo silang araw-araw na nagprotesta — sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na sa suri nila’y “nagpabaya” sa milyun-milyong mamamayang nasalanta ng bagyo at nagdurusa pa rin ngayon. Partikular na ipinrotesta ng grupong People Surge ang mga […]

‘Gang of Five’ ng gobyernong Aquino, pinapapanagot sa mga biktima ng Yolanda

“Salamat sa administrasyong Aquino sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda.” Ito ang pakutyang #AprilFools Day na mensahe ng mga biktima ng Yolanda sa ilalim ng People Surge. Kasabay nito, anunsiyo ng grupo ang buong-linggong protesta para panagutin ang administrasyon sa “kriminal na kapabayaan” umano nito sa kanilang mga biktima, maglilimang buwan […]

Pulong para sa pagsasapribado ng Orthopedic Center, ipinrotesta

Sinalubong ng protesta ang pulong ng pamunuan ng Philippine Orthopedic Center (POC) at Megawide World Citi Consortium para umano pag-usapan ang nakaambang pagsasapribado nito. Pinangunahan ng National Orthopedic Hospital Workers’ Union-Alliance of Health Workers (NOHWU-AHW) ang nasabing pagkilos sa loob ng bakuran ng POC kasama ang mga pasyente at mga mamamayan na sumusuporta laban sa […]

Cha-cha at pagbenta ng soberanya

Sa paspasang pag-apruba ng Kamara sa resolusyon kaugnay ng charter change o Cha-cha noong unang linggo ng Marso, hindi ikinaila ng mga nagsusulong nito na “probisyong pang-ekonomiya” lamang ang gagalawin ng Kongreso. Hayagang pangmamaliit sa soberanya ng bansa ang ipinangangalandakan ng mga promotor ng Cha-cha. Pinakatampok kasi sa isinusulong nito ang 100% pagmamay-ari ng dayuhang […]

Larawan | Kasunduan para sa pagbase ng militar ng US sa PH, ipinrotesta ng progresibong mga grupo

Sinugod ng progresibong mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang himpilan ng Department of National Defense sa Kampo Aguinaldo, Quezon City para iprotesta ang ika-pitong round ng mga negosasyon para sa "Enhanced Defense Cooperation" sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at US. Para sa Bayan, lantarang paglabag sa soberanya ng Pilipinas ang naturang kasunduan