Magsasaka ng Hacienda Luisita, wala nang lupa, dinadahas pa
Putok ang ulo, bali ang kamay, inaresto, kinulong at ngayon patuloy na tinatakot. Ganito ang nararanasan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita ngayon. Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ang libu-libong ektarya ng lupaing agrikultural sa asyenda, nananatiling nasa kontrol ito ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Sa katunayan, dalawang korporasyon na pag-aari rin […]