Lathalain

Abad, pinaaalis sa puwesto ng mga kawani sa kalusugan

Simbolikong ikinandado ng mga kawani sa kalusugan ang gate ng Department of Budget and Management (DBM) para iprotesta ang likha ni DBM Sec. Florencio Abad na Disbursement Acceleration Program (DAP) o ang presidential pork barrel na idineklarang ilegal ng Korte Suprema. Pinagbibitiw nila si Abad at pinaiimbestigahan ang mga may pakana ng DAP. “Ang DAP […]

Pagsikapang patalsikin si Aquino – Sison

Pinayuhan ni Prop. Jose Maria Sison, punong konsultant pampulitika ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang progresibong mga mambabatas ng Makabayan bloc na pagsikapan na makakuha ng sapat na bilang para sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino. Planong maghain reklamong impeachment ang progresibong mga organisasyon dahil sa paglabag sa […]

Manggagawa ng NXP, muling sumugod sa DOLE

Muling sumugod sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa ng NXP Semiconductors Cabuyao Inc. para ipanawagan na muling ibalik ang 24 na opisyal na tinaggal ng manedsment sa trabaho at ituloy ang kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA). Mula nang tanggalin ang 24 na opisyal noong Mayo 5, hindi pa umano […]

VIDEO| Nora Aunor, pinarangalan sa pagiging boses ng kilusang kontra-US Bases

Isang maliit na pagtitipon ang isinagawa ng grupong pangkababaihan na Gabriela sa bilding ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) noong Hulyo 4. Isang porum ang isinagawa, tumatalakay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kasama ang Gabriela Women’s Party at Peace for Life, ipinaliwanag nina Atty. Evalyn Ursua, Liza Maza at Prop. Judy […]

‘Di pantay na relasyon’ ng gobyernong Amerika, Pilipinas kinondena

Tinangkang makalapit sa Embahada ng Estados Unidos (US) ang iba’t ibang grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para salubungin ng protesta ang ika-68 taon ng Philippine-American Friendship Day. Pero pinagpapalo at pinagtutulak sila ng mga pulis para pigilan. Ayon sa Bayan, walang dapat ipagdiwang ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pakikialam ng […]

Panawagang pagpapatalsik kay Noynoy umiinit

Pinaiinit ng mga grupo ng kabataan ang panawagang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Aquino. Sa protesta ng kabataan sa paanan ng Mendiola, nanawagan sila sa taumbayan na magkaisa para alisin sa poder si Aquino batay sa sari-saring isyu–pinakamainit nito ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang ilegal ng Korte Suprema kamakailan. “Naholdap ang kabataan dahil […]

‘Impeachment lang ang patutunguhan’

Reklamong impeachment kontra sa kasalukuyang pangulo ng bansa lang ang nararapat na tugon sa deklarasyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP), o presidential pork barrel. Inihayag ng iba’t ibang progresibong grupo ang kahandaan nilang magsumite ng impeachment complaint. Anila, “in good faith” man o hindi, malinaw na nilabag […]

Peryodismong Pulahan: Sa alaala ni Christine Puche (1976-2013)

Sa mga pasilyo ng gusaling Plaridel ng Maskom, mga silid-aralan, dormitoryo, at tambayan ng UP Diliman, minsang tumuntong si Christine Puche, estudyanteng tubo sa syudad ng Legazpi sa probinsya ng Albay. Naaalala siya ng mga kakilala bilang miyembro ng isa o dalawang cause-oriented group sa unibersidad. Tahimik sa klase, tsinita, maliit ang katawan. Hindi man […]

Abad, Aquino pinapanagot ng mga guro sa DAP  

Sumugod ang mga guro sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) para ipanawagan ang agarang paglilitis kina Budget Sec. Florencio Abad at Pangulong Aquino sa paggamit umano ng P177 Bilyong Disbursement Acceleration Program (DAP). Idineklara kamakailan ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang DAP kaya dapat umanong managot ang mga […]

Aquino, inutil sa taas-presyo ng bilihin, dapat patalsikin – Gabriela

Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila ang grupo ng kababaihan para kondenahin ang kainutilan umano ng administrasyong Aquino para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin gaya ng bigas, langis, delata, gatas, at bawang, at iba pa. Pinakahuli rito ang P4.30 pagtaas ng presyo ng gatas at panibagong dagdag-singil na P.45 kada […]