Militarisasyon sa Quezon at pakikipagsapalaran ng Mercy Mission
Marso nitong taon nagsimula ang pagtindi ng militarisasyon sa katimugang Quezon. Ito ang unang pagkakataon na nagpadala ng ganitong karaming tropa ng militar sa naturang lugar, mas marami pa noong Batas Militar, ayon sa Save Bondoc Peninsula Movement (SBPM). May 4,000 sundalo mula sa walong batalyon ang nakakalat ngayon sa probinsya ng Quezon.