Lokal na ekonomiya, dapat pagtibayin sa gitna ng global debt crisis
Malala ang krisis sa utang na kinakaharap ngayon ng Estados Unidos at bansa sa European Union. Indikasyon lamang ito ng bangkaroteng pandaigdigang ekonomiya, at ng pangangailangan ng Pilipinas na talikuran ang matagal nang mga polisiya na lalong nagpapalubog sa ekonomiya, ayon sa mga ekonomista.