Komunidad ng maralita sa BIR Road, nakaambang idemolis dahil sa proyektong business district
Bukod sa mga komunidad sa North Triangle, may banta rin ng demolisyon sa komunidad ng mga maralita sa East Triangle. Bahagi ng pinaplanong business district, iginigiit ng mga residente ang karapatan nila sa kabuhayan at manatili sa lupaing kinalakhan na ng kanilang mga anak.