Lathalain

‘All-out justice’ na giyera ni PNoy sa Basilan, kinontra ng grupong Moro

Ipinaalala ng isang grupong nangangalaga ng karapatan ng mga mamamayang Bangsamoro na “walang pinag-iba” ang direktiba ni Pang. Benigno Aquino III na “all-out justice” kontra sa ilang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan sa mga direktibang “all-out war” ni dating Pang. Joseph Estrada at “all-out peace” ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Cha-cha: Mas matinding pahamak sa bayan

Ipinabandera ng mga tagapanguna ng Charter Change – na pawang alyado ni PNoy sa Kongreso – na lalong pagbukas sa bansa sa dayuhang mga kompanya ang magdadala sa atin sa kaunlaran. Pero ang polisiyang ito mismo ang naglulugmok sa bansa sa ibayong kahirapan at pagsasamantala.

Sa kamay ng asenderong pangulo

Pangangamkam sa lupaing agrikultural. Kumbersiyon sa lupa. Kawalan ng repormang agraryo. Ngayon naman, pagrepaso sa Saligang Batas. Ito lamang ang ilan sa sunud-sunod na mga atake ng administrasyong Aquino sa karapatan at kapakanan ng mga magsasakang Pilipino.

Bagong rekisitos para sa OFWs sa UAE, nagbunga ng korupsiyon?

Tinawag ng Migrante International na “kotong” ang affidavit of support (AOS), isang bagong rekisitos na ipinataw ng Philippine Consulate para sa mga Pilipinong patungo sa United Arab Emirates. Nagbunga rin umano ito ng korupsiyon sa mga opisyal ng Bureau of Immigration. Tinatayang P18-Milyon kada taon ang makokolekta ng gobyerno sa singil sa AOS, ayon sa Migrante. Nagkakahalaga […]