Serye ng protesta, kampuhan ilulunsad vs budget cuts, krisis
Nagkaisa ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa kondenahin ang panukalang badyet ng administrasyong Aquino sa mga serbisyong panlipunan para sa taong 2012.
Nagkaisa ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa kondenahin ang panukalang badyet ng administrasyong Aquino sa mga serbisyong panlipunan para sa taong 2012.
Protesta sa paanan ng tulay ng Mendiola ang isinalubong ng mga grupong makakalikasan at mga katutubong mamamayan sa pagdiriwang ng gobyerno at ng mga kompanya ng pagmimina sa Philippine Mine Safety Week ngayong linggo. Sa halip na pagdiriwang, itinampok ng Kalikasan-People’s Network for the Environment, Katribu Party-list, Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan at iba pang […]
Gumawa ng lakarang tulay mula sa puno ng niyog ang mga residente ng isang barangay sa Malinao, Albay dahil matagal nang nasira ng bagyo ang sementadong tulay at kalsada patungo sa kanilang bayan. (KR Guda)
Bunsod ng pagpapatupad ng neoliberal na globalisasyon, iwinasiwas ng mga kapitalista ang iba-ibang iskema ng pleksibleng paggawa. Ang resulta: pagkawala ng karapatan sa kaseguruhan sa trabaho ng libu-libong manggagawa.
Madalas na ngang di kinikilala o binabayaran ang lakas-paggawa ng kababaihan, pinasasahol pa ito ng kontraktuwalisasyon, na pinagtibay ng Labor Code, mga utos ng Department of Labor and Employment, at ang desisyon kamakailan ni Pangulong Aquino hinggil sa kontraktuwalisasyon sa Philippine Airlines.
Inihayag ng Migrante International na hati ang kanilang damdamin sa pagdeklara ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ng deployment ban sa 41 na bansa. Inaapela ngayon ng Department of Foreign Affairs ang nasabing deployment ban na ipinataw ng POEA dahil sa kabiguan ng mga nasabing bansa na pangalagaan ang kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) […]
Nanawagan ng hustisya para kay Fr. Fausto “Pops” Tentorio ang mga lider-simbahan at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong, na naaalarma sa pagdami ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng gobyernong Aquino. Isang liham ng pagkondena sa pagpaslang ng Italyanong pari ang pinirmahan ng 19 lider-simbahan at relihiyosong organisasyon na naka-base sa […]
Sa paggunita sa unang malaking protesta kontra sa diktadurang Marcos na pinangunahan ng kababaihan noong Oktubre 28, 1983, muling dumagsa ang libong kababaihan patungong Mendiola. Kinondena nila ang kartel ng langis na kumakamal ng kasakiman ng dambuhalang mga tubo habang lugmok sa hirap at gutom ang bayan.
Sa gitna ng tumitinding krisis ng kapitalismo, mga manggagawa, kabilang ang milyun-milyong OFWs, ang nagigipit at nagsasakripisyo. Ngunit saan ba patungo ang ekonomiyang nakaasa lamang sa remittances?
Sama-samang nililinisan ng waterlily ng mga miyembro ng komunidad ang ilog ng San Simon sa Pampanga para mas makadaloy ang tubig at maiwasan ang matinding pagbaha sa lugar. Walang tulong sa gobyerno, kung kaya sila-sila na lamang ang gumagawa ng paraan para mapigilan ang baha kung dumating man ang susunod na bagyo. (Boy Bagwis)