Lathalain

Kababaihang biktima ng paglabag sa karapatang pantao, inalala

Sa pagdiriwang ng International Day for the Elimination of Violence Against Women ngayong araw, pinaalala ng kababaihan sa gobyernong Aquino na dapat ding panagutin si dating pangulong Gloria Arroyo para sa mga paglabag sa karapatang pantao ng kanilang mga kabaro. Ayon sa Gabriela, may 153 kababaihan ang pinaslang, 11 ang dinukot, at 290 ang ilegal […]

Landas ng impunity, patungong Malakanyang

Sa protestang pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), iba't ibang grupo ng midya, guro at mga estudyante ng pamamahayag, grupong pangkarapatang pantao at militanteng mga grupo, inirehistro ang pagkabahala ng marami: Dalawang taon matapos ang masaker ng 58 katao, kabilang ang 33 mamamahayag, malayung malayo pa rin bago makamit ang hustisya.