Lathalain

Araw-araw na protesta para sa pagsagip ng Pilipinong drug mules, ikinasa

Ikakasa ng Migrante International at Save the Lives of OFWs in Death Row Alliance ang araw-araw na protesta para sa pagsagip sa buhay ng tatlong Pilipinong nakatakdang gawaran ng sentensiyang kamatayan dahil sa umano’y pagiging drug mules sa Tsina. Sa isang candle-lighting ceremony sa Boy Scout Circle sa Quezon City kahapon, nanawagan ang iba’t ibang […]

Audio Slideshow: Pagbabalat ng bawang, pag-ampat sa kagutuman

Panayam sa isang maralitang tagalungsod sa Vitas, Tondo na lumalahok sa maramihang pagbabalat ng bawang para lamang makatulong sa pambili ng pagkain laluna sa panahong lalong tumataas ang mga bilihin at presyo sa mga pampublikong sakayan.

Di lang pagkontrol sa populasyon

Pangangalaga sa kalusugan ng babae, bata’t matanda ang pakay ng Reproductive Health Bill na ipinapanukala ng Gabriela Women’s Party sa Kamara. Duda silang matutugunan ito ng pinalabnaw na bersiyon na Responsible Parenthood Bill ng Malakanyang.

Sunog, ‘pinakamabilis na paraan ng demolisyon’

Panununog ng komunidad, alternatibo ng gobyerno sa demolisyong di maitulak-tulak? Ito ang hinala ng ilang nasunugang maralita na pinapalayas para sa proyektong Quezon City Central Business District.

Maysakit sa OFW sa Gitnang Silangan, pinababayaan?

Naghihintay pa rin ng repatriation ang isang matanda at maysakit na babaing Overseas Filipino Worker (OFW) na mahigit isang dekada nang undocumented sa Saudi Arabia. Samantala, ang isa pa ay namatay kamakailan sa United Arab Emirates dahil tatlong buwang hindi nabigyan ng karampatang medikal na atensiyon. Noong Enero 25, namatay sa isang opsital sa Al […]

Pambubugbog sa bilanggong OFW sa Saudi, pinaiimbestigahan

Hinikayat ng Migrante-Middle East ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na imbestigahan ang mga ulat ng pambubugbog sa 48 Pilipinong nakapiit sa Malaz Central Jail. Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, tagapagsalita ng Migrante-ME, na nakatanggap siya ng tawag at text messages mula sa ilang mga migranteng Pilipino na […]

Taas-pasahe sa MRT/LRT: maanomalyang utang na ipinapapasan sa bayan

Anumang katwiran ng DOTC at administrasyon ng MRT at LRT hinggil sa pagtaas ng pamasahe sa naturang mga linya ng tren, hindi pa rin nila mapabulaanan ang katotohanang gusto nilang ipapasan sa mga komyuter ang utang ng gobyerno mula sa maanomalyang kasunduan sa dayuhang mga mamumuhunan.